Oras


Oras

Oras na para magbago,
magbago para sa aking sarili.
Tama na ang pangiging tanga,
tanga sa taong 'di ako gusto.

  Oras na para kalimutan ka:
ikaw na pinaasa lang ako,
ikaw na pinaglaruan lang ako,
ikaw na sinaktan ako.

Ito na ang tamang oras,
oras upang mahalin ko ang sarili ko
kaysa ang taong iba ang mahal
at hindi ako na nandito.

Ito na nga ang tamang oras
upang maging masaya naman ako
at kalimutan na ang sakit,
sakit na idinulot mo sa akin.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top