Ningning ng Bituin
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Ningning ng Bituin
Lahat na nagbago
Nawala na ang dating ako
Nag-iba na ang mundo ko
Dahil sa mga kalokohan mo
Sana di na nakilala
Isang taong tulad mo
Sana di na naniwala
Sa mga kasinungalingan mo
Salamat na lang sa'yo
Ako'y lubos na natuto
Hindi lahat ay kagaya mo
Tunay nga na iba-iba ang tao
Akala ko wala nang pag-asa
Pag-asang makakilala ng iba
Isang totoong kaibigan
Handa akong pakinggan
Tanggap kung sino ako
Hindi ako hinuhusgahan
Iniintindi niya ako
Iba siya sa karamihan
Pagkakamali ko'y itinatama
Di nagsasawang ako'y payuhan
Laging kasama ko kahit saan
Kasiyahan ko'y kasiyahan niya
Dumating man ang kadiliman
Ako'y inilalapit sa katotohanan
Sa oras ng aking pighati
Problema'y sa kanya sinasabi
Salamat sa Diyos na dakila
Dumating ka sa buhay ko
Bumalik na ang dating ako
Dahil sa mga kabutihan mo
Nagniningning tulad ng bituin
Sa gabing madilim
Tunay na kaibigan
Ika'y di pababayaan
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top