Natuto Na Ako

Natuto Na Ako

Bakit pa sa'yo napaibig?
Ako'y nasaktan lamang at napaluha
nang sabihing kaibigan lang ako.
Bakit ba kasi nauto ako sa maling akala?

Umamin ako sa iyo na gusto kita.
Hindi ka naniwala sa akin
at ako'y nilalayuan mo na.
Iniiwasan at 'di rin pinapansin pa.

Nag-iba na ang ating relasyon.
Hindi na tayo tulad ng dati—
na masaya't nagkwekwentuhan pa.
Alaala na lang ang lahat.

Sinubukang ika'y limutin,
koneksiyon sa iyo'y aking pinutol
para sarili ko'y matuto—
na hindi dapat sa'yo umiibig.

Nagdaan ang mga araw,
ikaw pa rin talaga ang gusto.
Ako'y naging marupok at desperada
para lang maging akin ka.

Ngunit sadyang 'di mo ako gusto
at kailanma'y 'di magawang ibigin rin.
Sa tuwing lumalapit ako,
lumalayo ka nang husto.

Napakasakit na mabalewala,
hindi mo nakikita ang aking halaga.
Kaya ngayon ay matuto na talaga,
ika'y tuluyan nang kakalimutan na.

Sarili ko na lamang ang aking iibigin,
hindi ikaw na labis na mapanakit.
Oras na para puso ko'y gamutin
para may patunay na ako'y natuto na.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top