Natural na Kalamidad

Natural na Kalamidad

Knock! Knock!

Ayan na,
kumakatok na si kalamidad.

Pagbubuksan mo ba?
Papapasukin mo sa buhay mo
at sisirain niya ito nang lubusan?

O aking kaibigan,
mag-isip ka't maghanda na.
Dali! Paparating na sila.

Sino sila?

Sina lindol, bagyo at iba pang kalamidad!
Ayan na, malapit na sila.
Nakahanda ka na ba?

Nakikinig ka ba?
Nakikinig sa mga balita,
balita na tungkol sa mga kalamidad.
Kung hindi pa,
aba'y simulan mo na!
Nasimulan mo na ba?
Ginagawa mo ba?

Ngayon, sabayan mo akong magbilang.
Hanggang tatlo lang naman.

Una, unang paalala.
Manalangin ka sa Maykapal
upang ika'y matulungan Niya,
matulungang maghanda,
maghanda para maging ligtas ka!
Ligtas sa dulot ng mga kalamidad.

Ikalawa, ikalawang paalala.
Maging alerto ka kaibigan!
Ihanda nang husto ang iyong sarili
dahil anumang oras,
anumang oras ay nariyan,
nariyan na sila!
Sila na mga natural na kalamidad!

Ikatlo, ito na ang wakas.
Kapag nakaligtas ka sa kalamidad,
ika'y magpasalamat.
Oo, magpasalamat ka sa Kanya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top