Naniwala ako
Naniwala Ako
Papakinggan ba ang sigaw ng puso
O maniniwala sa sabi ng mga tao?
Totoo bang pinaglalaruan lang ako?
Ako ay lubusang nalilito.
Marami kang pinangako sa akin,
siniguradong akin ka lang din.
Sinabi mo ring 'di mo ako iiwan
at ipagpapalit sa ibang babae.
Matagal na panahon tayong nagsama
hanggang sa nag-iba ang ihip ng hangin.
Tila atensyon mo sa aki'y nawawala.
May mahal ka na bang iba?
Isang araw, umamin ka sa akin
nang tinanong kita kung may iba na.
Nasaktan ako nang lubos sa tinugon mo.
Totoo nga, 'di na ako ang mahal mo.
Bakit ba ako naniwala—
sa sambit mong,"Mahal kita."?
Sana sa payo ng iba na lang ako nakinig
upang puso ko'y 'di na nagdurugo.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top