Nang Dahil Sa Kanya
Nang Dahil Sa Kanya
Napapatanong sa aking sarili,
'Bakit hindi na ako ang mahal mo?'
Bigla mo na lang akong iniwan—
simula nang dumating siya.
Mas pinili mo siya—
kaysa sa akin na nauna.
Siguro nga nagkulang ako
o sadyang nagsawa ka na.
Nang dahil sa kanya,
iniwan mo akong nag-iisa
at laging lumuluha tuwing gabi.
Ako'y nagdurusa sa ginawa mo.
Nang dahil sa kanya,
napako ang pangako mo sa akin.
Mga plano nati'y 'di na natin maisasagawa—
ngunit alam kong kayo na ang gagawa.
Siguro nga hindi tayo ang nakatadhana
dahil dumating siya sa buhay mo.
Kaya nang dahil sa kanya,
nagwakas ang pag-iibigan nating dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top