Naaalala Mo Ba?

Naaalala Mo Ba?

Natatandaan mo ba—
nang unang beses tayong nagkita?
Labintatlong gulang ako noon
samantalang labing-apat ka naman.

Sa simbahan tayo unang nagkakilala,
kung saan tayo'y nahihiya pa sa isa't isa.
Tinutukso tayo ng iba nating kasamahan,
aaminin ko na ako'y kinikilig noon.

Hindi tayo madalas magkausap
pero sa bawat pagkakataon na nakakausap kita,
dama ko na may gusto ka rin sa akin.
Ayaw kong umasa, kaya papatunayan ko.

Naglakas loob akong umamin,
sobrang kaba ang aking naramdaman
ngunit ito'y napalitan ng saya—
nang sabihin mong gusto mo rin ako.

Agad ko na lang sinabi na tayo na,
ikaw at ako'y magkasintahan na.
Naging masaya ang ating pagsasama
at mga pagsubok ay nalalampasan natin.

Naaalala mo na ba mahal—
kung paano tayo nagkakilala't nagkasama?
Na hanggang ngayon ay ikaw at ako pa rin,
tayo ang itinakda para sa isa't isa.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top