Masubukan Nga
Masubukan Nga
Masubukan nga ang larong ito,
makakaya ko kaya?
Ngunit isa ba talaga itong laro?
Ang pag-ibig ba ay isang laro?
Hindi ba ako magsisisi
kung ito ay papasukin ko?
Ayaw kong masaktan nang lubos
at ayaw ko ring manakit ng iba.
Napatanong ako sa isang tao,
kung ayos lang ba na makipagrelasyon ako?
Napa-isip ako sa kaniyang sinabi at ipinayo.
Tama nga ata siya, hindi pa ito ang oras.
Ako'y kaniyang binalaan nang sinabi kong,
"Makikipaglaro na lang po ako."
Baka raw ako'y magsisi sa gagawin ko.
Baka nga, isa pa hindi ko rin kayang gawin iyon.
Napagdesisyonan ko na 'wag itong subukin
sapagkat bata pa lamang ako
at marami pa akong dapat matutunan
kaya mag-aaral na lamang muna ako.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top