Manunula(t)
Manunula(t)
Isa kang magiting na manunula(t),
pluma't tinta ang iyong sandata.
Maubusan man ng tinta ang iyong pluma,
ika'y sumusubok pa rin na magsulat.
Hanga sa iyo ang mga mambabasa
dahil akda mo'y maayos ang pagkakagawa
at ito'y kinapupulutan ng mga aral-
na mas mahalaga pa sa materyal na kayamanan.
Maranasan mang husgahan ng iba
at hindi masuportahan ng karamihan.
Manunula(t), magpatuloy ka lang! Gawin itong inspirasyon sa paghabi pa ng mga akda.
Minsan panalo ka, minsan naman ay talo
ngunit hindi ibig sabihin na talunan ka na.
Marami pang ibang pagkakataon
kaya patuloy lang sa laban kasama Siya.
Manunula(t), ika'y isang mambabasa rin.
Tunay na opinyon galing sa iyo
ay nagbibigay saya sa mga kagaya mo.
Iyo sanang ibigay ito ng buong puso.
Sa pagsusulat, hindi mo ito ginagawa para sa iba.
Gawin mo ito para mismo sa iyong sarili
upang mas matamasa mo ang sayang dulot nito
at nang da gayon ay mas malibang ka rito.
Kung ika'y napapagod na,
ika'y magpahinga na muna.
Gugulin mo ang oras mo sa ibang bagay
na mas makakatulong sa iyong pagpapahinga.
Magaling ka, mahusay ka!
Anuman ang sabihin ng iba,
iyan sana ang iyong paniwalaan.
Hanga ako sa iyo manunula(t)
kaya sana magpatuloy ka pa sa pagsusulat!
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top