Manhid Nga Ba?
Manhid Nga Ba?
Masyado na ba akong manhid?
Di napapansin ang iyong mga titig.
Titig na nakakatunaw
Sa pusong umaayaw.
Simula noong tayo'y magkita,
Ngiti mo'y di mawalawala.
Hindi ko malamanlaman
Kung ano ang dahilan.
Isa ba ako sa mga pelikula?
Mga palabas na nakakatawa.
O isang payaso sa perya
Na kinagigiliwan ng mga bata.
Sa tuwing tayo'y magkasama,
Hindi ka nauubusan ng salita.
Bawat kwento mo'y nakakatuwa
At binabawasan ang aking problema.
Isa raw akong balat kalabaw
Na hindi dinadapuan ng langaw.
Bakit di ko raw mahalata
Ang mga kilos na iyong ipinapakita?
Pasensiya na,"hindi pa ako handa".
Payo nga nila,"mag-aral ka muna."
Tama naman sila, di ba?
Kikilalanin pa natin ang isa't isa.
Masaya ako na kaibigan kita.
Ganyan ka rin naman di ba?
Ito ang ating sariling kwento.
Kwentong bumubuo sa'ting pagkatao.
Lahat ay may patutunguhan
Pero may hangganan.
Maraming pwedeng magbago
Kung nanaisin ng puso.
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top