Malaya Ka Na

Malaya Ka Na

Noong unang beses kitang makilala,
tibok ng puso ko'y bumilis.
May naramdaman akong kaligayahan
na ngayon ko lamang madama.

Ngiti sa aking labi'y 'di mawala
nang ako'y sinimulan mong ligawan.
Hindi ko na pinatagal pa
kaya sinagot na agad kita.

Sa bawat panahong kasama kita
ay wala akong pinagsisisihan.
Lagi mong sinasabing, "Mahal kita."
Pinaparamdam mo na ito'y totoo.

Hanggang sa bigla ka na lang nagbago
at atensiyon sa akin ay nawawala.
Napapatanong sa aking sarili,
"Hindi ba sapat ang pagmamahal ko sa'yo?"

Isang araw ay nahuli kita,
may kahalikan kang ibang babae.
Kinabukasan ay kinausap kita tungkol dito,
hindi ka tumanggi at inamin ang totoo.

Luha sa aking mga mata ay bumagsak
at puso ko'y unti-unting nabibiyak.
Tinanong kita kung mahal mo na ba talaga siya
at sinabi mong, "Oo, mahal ko na siya."

Masakit man sa aking kalooban
pero kailangan ko iyong tanggapin.
Mahirap man na ika'y ipaubaya
ngunit ito na ata ang kailangan kong gawin.

Kung saan ka masaya, suportado kita.
Papatawarin kita sa ginawa mo sa akin
sapagkat mahal na mahal kita, sinta.
Wala nang saysay upang ilaban ang relasyon
na binitawan mo na at sinukuan.

Isa pa, hindi rin naman na ako magtatagal
dahil mawawala na ako sa mundong ito.
Ikinakagak ko na sa huling oras ko
ay kasama ko ang napakahalaga sa akin.
Nginitian kita at nagwika, "Mahal na mahal kita
kaya malaya ka nang ibigin siya, sinta."

Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib,
iyo itong napansin ay ako'y inalalayan.
"Paalam aking mahal," huling sambit ko
bago tuluyang ipikit ang aking mga mata.

Naramdaman ko sa huling sandali ang iyong yakap,
ang iyong paghalik din sa aking noo.
Patawad kung maiiwan kitang magdadalamhati
dahil sa akin na minsan mong inibig nang tunay.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top