Mahirap Intindihin
Mahirap Intindihin
"Mahilig ka palang magbasa ng mga tula,"
sabi ng isang taong nagbabasa rin.
"Oo naman, ikaw rin naman di ba?
Pero naiintindihan mo ba ang mga ito?"
"Sabihin ko mang oo pero ako'y hindi sigurado
dahil baka ang pang-unawa ko'y iba sa iyo.
Maari rin na ang pagkaintindi ko
ay iba sa nais ipaintindi ng manunula."
"Parehas pala tayong hindi sigurado.
May mga tulang ang hirap kasing intindihin
dahil sa mga malalalim na salitang ginamit
at maaring magulo ang pagkakasulat nito."
"Mahirap intindihin? Mahirap nga,
lalo na kung kulang ang iyong kaalaman
ngunit huwag mo sanang isipin na ito'y pang-iinsulto.
Ako'y nakakaranas din ng ganyan."
"Siguro nga kulang ako sa kaalaman
pero maaaring mas kulang ako sa karanasan
na tulad sa naranasan ng sumulat ng tula.
Gayunpaman, ako'y may natutunan pa rin."
"Meron at meron talaga tayong matututunan.
Mahirapan man tayong intindihin ang ibang mga tula,
hinding-hindi mababago ang katotohanan
na ang mga tulang ito'y may epekto sa mambabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top