Maaari Ba?

Maaari Ba?

Ako'y nagsusumamo sa inyo.
Maaari bang itigil n'yo na—
ang pananakit sa akin?
Pagod na ang katawan ko.

Maaari bang tumahimik kayo?
Tama na ang pagsasabi sa akin—
ng mga masasakit na salita.
Namimighati na ang damdamin ko.

Hindi ba ninyo napapansin?
Hirap na hirap na ako.
Hindi ko na ata kakayanin pa—
na tiisin ang pang-aapi n'yo sa'kin.

Tama na ang pang-aapi sa akin.
Nagmamakaawa ako sa inyo,
pakinggan n'yo ang hinaing ko.
Maaari bang pakinggan n'yo na ako?

Ayaw kong dumating ulit sa punto—
na buhay ko'y talagang wakasan na.
Kaya maaari bang 'wag na ninyo—
akong apihin at saktan ng paulit-ulit?

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top