Luha

Luha

Ilang beses na ba—
na ikaw ay lumuha?
Maraming pagkakataon na,
sa bawat segundo pa nga ata.

Mga luha mula sa mga mata
ay bigla na lang tumutulo—
sa 'di malamang dahilan.
Ano na naman ba kaya?

Luha ba'y papawi sa sakit—
na dinulot ninuman.
Mababawasan nga ba ang kirot
kapag ika'y lumuha?

Pagod na ang mga mata,
mugto na nga sila.
Luha mo, 'di na ba mapipigilan?
Patuloy na lang sa pagtulo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top