Liham

Liham

Ako'y sumulat ng isang liham
para sa ginoong aking iniibig.
Laman nito'y mga salitang—
matagal ko nang nais sabihin.

Kinikilig ako habang isinusulat ito,
umaasang kikiligin ka rin kung iyong babasahin.
Ngunit masyado na ata akong umaasa,
sa huli'y ako'y labis na masasaktan din.

Nag-alinlangan kung ito'y ibibigay sa'yo
dahil nabatid kong wala kang hilig sa pagbabasa.
Baka mapahiya lang ako kung ito'y gagawin ko.
Isa pa, may ginigiliw ka ng binibini.

Sayang lang ang liham na isinulat ko,
hindi mo rin naman babasahin.
Dapat pala una pa lang ay pinigilan ko na—
ang nararamdaman ko sa'yo, ginoo.

*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top