Laro Lang

Laro Lang

Ang isip ay litong-lito,
Pag-ibig nga ba o laro?
Maniniwala ba sa mga tao
O dinggin ang isinisigaw ng puso?

Nangako ka noon sa akin
Na ang puso mo'y titibok lang sa akin
At pinangakong ikaw lang ay akin
Na walang ibang makakaangkin

Maraming nagsasabi
Na mali ang aking pinili.
Di ako naniwala
Dahil mahal kita.

Sa paglipas ng panahon,
Nag-iba ang ihip ng hangin.
Nawala na ang iyong lambing.
Wala na sa akin ang iyong atensiyon.

Bigla mo na lang sinabi
Mula mismo sa iyong labi
Na ang puso mo'y di na akin
At iba na ang umaangkin.

Laro lang pala ang lahat,
Bakit di ko napansin agad?
Tama nga ang sabi nila,
Di dapat nagmamadali,

Kung sana nakinig ako
Sa mga payo ng mga tao.
Di ko sana mararamdaman 'to,
Ang sobrang kirot sa puso.

Akala ko ikaw na,
Akala ko lang pala.
Sana di naniwala
Sa sambit mong 'mahal kita'

Pero bakit biglaan?
Biglaan ang iyong pagbalik
Bakit ka pa bumalik?
Kung aalis ka rin lang naman.

Ano ba ang totoo?
Minahal mo ba talaga ako?
Mahal mo pa rin ba ako?
O uulitin mo lang ang laro.

Hindi na ako magpapaloko,
Alam ko na ang galawan mo.
Salamat sa'yo ako'y natuto
At di na muling magpapa-uto.

~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top