Kulang
Kulang
Naranasan mo na bang pagkaitan?
Maramdamang wala kang kakayahan?
May talento ka namang taglay.
Di lang nila makita ang iyong husay.
May mga pangyayaring di inaasahan.
Di alam kung ano ang patutunguhan.
Iniisip mong talo ka na.
Pakiramdam mo'y di mo na kaya.
Ramdam mong may iba sa pagkatao mo.
Para bang may bumabalot sa'yo,
Kasinungalingan ba ang mga ito?
Hanggang kailan ba magtatagal ito?
May mga bagay na mahirap tanggapin,
Ito na nga ba ang hinahanap natin?
Sino ba ang paniniwalaan
Kung nalilito sa katotohanan.
Nadadama ang sakit
Na dulot ng galit.
Magagamot pa ba ito?
Sa lalim ng tama nito sa puso
Galit na ba talaga ang dahilan?
Ano ba ang tunay na pinag-ugatan?
Di madaling malaman kung ano,
Sino-sino pa ba ang kadamay dito?
Kapag nahanap na ba ang pinagmulan,
Darating na ba ang nais makamtam?
Ang ligaya na matagal nang inaasam,
Ngayon ay mararamdaman.
Sa dami ng naranasang hirap
Dahil sa mga pagsubok na hinarap.
Nabuo mo na ngayon ang sarili mo.
Kumpleto na ang buhay mo
Kung pakiramdam mo'y may kulang,
Huwag kang lubos na panghinaan.
Ito ay madadagdagan din
At bubuoin ang buhay natin.
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top