Kaibigan
Kaibigan
Mayroon akong isang kaibigan,
siya ay nakilala sa paaralan.
Isa siyang masayahing tao
kaya naman hinahangaan ko siya.
Sa likod ng mga ngiti niya,
nakakubli ang kaniyang mga luha.
Sa likod ng mga tawa niya,
nakakubli ang pighating nadarama niya.
Hanga ako sa tibay niyang taglay.
Nagagawang damayan ang iba
kahit na may problema siya.
Isa siyang sandalan ng mga pagod na.
Hanggang kailan kaya niya itatago—
na siya'y nahihirapan na?
Siya iyong laging nasa tabi ko
sa oras na nagdadalamhati ako.
Siya ang kaibigan ko na—
ayaw kong mawala sa tabi ko.
Siya ang kaibigan kong tunay—
na hindi ako pinapabayaan.
Ako bilang kaibigan niya—
ay 'di rin siya pinababayaan.
Ako at siya ay magkaibigan
kaya kami ay nagdadamayan.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top