Kahit Kayo Na

Kahit Kayo Na

Mahal kita, mahal na mahal kita.
Nais mang sabihin sa'yo
ngunit mukang ito'y huli na.
Mayroon na kasing kayo.

Kahit kayo na ng kaibigan ko,
nanaisin ko pa ring umamin sa'yo.
Hindi ko lang alam kung nararapat pa ba.
Baka ako'y lalong layuan mo pa.

Itatago ko na lang ang damdamin sa'yo.
Magiging masaya na lang ako sa relasyon n'yo.
Ayaw kong masira ang relasyon n'yo
at baka ako'y mawalan pa ng kaibigan.

Kahit kayo na, nandito ako
kung kailangan mo ng kausap.
Tulad sana ng dati ang ating samahan,
mga panahong 'di mo pa siya kilala.

Kung sana maibabalik pa ang kahapon,
ngunit hindi na maaari pa.
Ito'y akin sanang babaguhin ng kaunti
upang pag-ibig mo'y sa akin mapunta.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top