Imahinasyon
Imahinasyon
May mga naisusulat tayo
Na dulot ng imahinasyon.
Mga kuwento, tula, at iba pa
Na nagpapahiwatig din sa 'ting pagkatao.
Imahinasyong ikaw lang ang nakakabuo
Kung saan marami kang madadama.
Mga damdaming pwede ring damhin ng iba
Ngunit hindi mararanasan ng ilan.
May pag-aalinlangan at pagkalito.
Susubukan ba ang isang bagay?
Naiintindihan ba ang mga pangyayari
At di na kailangang linawin pa?
Masaya sa mga bagay na nakakatuwa
Ngunit napapaisip kung ito'y tatagal ba?
Umaasang ito ay magpapatuloy pa
At wala sanang hahadlang.
Nakakagawa ng kuwento na dulot ng likhang-isip.
Kuwentong may damdamin sa bawat tauhan
Na siyang nararamdaman pala ng sumulat.
Kuwentong hango sa totoong buhay.
Sa iyong haraya ay ikaw ang bida.
Bidang laging hinahangaan
Ngunit kinaiinisan ng kalaban.
Bida na sa imahinasyon lang nabubuhay.
Bawat tula ay may kahulugan
At may nakatagong istorya sa likod nito.
Napapatanong ang iba kung para kanino ba ito?
Ang tanging sumulat lang ang nakakaalam.
Maraming nagsasabi na baliw ka lang
At guniguni mo lang talaga ang lahat.
Di nila alam na ang nasabing imahinasyon
Ay nangyayari na pala sa ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top