Ikaw Ang Mahal Ko

>Isang awit.

Ikaw Ang Mahal Ko

Sa ating samahan, tayo'y nagkakatuwaan
Sa mga biruan at asaran na siyang naghahari.
Samasama tayo sa mga kalokohan
na ginawa na nating libangan.

Ikaw, ikaw ang kaibigan ko.
Ikaw, ikaw ang mahal ko.
Kaibigang tapat at totoo
na laging maaasahan anumang oras.

May pagkakataon na di tayo nagkakaintindihan
pero nauuwi na lang sa tawanan.
Magawa man nating iwanan ang bawat isa
ngunit tayo'y pinagsasama pa rin ng tadhana.

Ikaw, ikaw ang kaibigan ko.
Ikaw, ikaw ang mahal ko.
Kaibigang tapat at totoo
na laging maaasahan anumang oras.

Tayo'y masayang nagkwekwentuhan
at madalas napapalakas ang ating tawanan.
Ito ang ating samahan na nabuo
sa di malamang totoong dahilan.

Ikaw, ikaw ang kaibigan ko.
Ikaw, ikaw ang mahal ko.
Kaibigang tapat at totoo
na laging maaasahan anumang oras.

Di man mangako sa pamamagitan ng boses
pero nakikita sa ating mga kilos at asal
ang pangako na wala talagang iwanan
at ang samahan nati'y kailanman ay di mawawasak.

Ikaw, ikaw ang kaibigan ko.
Ikaw, ikaw ang mahal ko.
Kaibigang tapat at totoo
na laging maaasahan anumang oras.

Nagdarasal sa Amang Maykapal
na sana tayo'y laging gagabayan.
Ikaw, ikaw ang kaibigan ko.
Ikaw, ikaw ang mahal ko.

Ikaw, ikaw ang kaibigan ko.
Kaibigang tapat at totoo.
Dumating man ang kadiliman,
inilalapit ako sa katotohanan at di
pinapabayaan.

Ikaw, ikaw ang kaibigan ko.
Ikaw, ikaw ang mahal ko.
Kaibigang tapat at totoo
na laging maaasahan anumang oras.

Ikaw, ikaw ang kaibigan ko.
Ikaw, ikaw ang mahal ko.
Oh ikaw ang kaibigan ko
na mahal na mahal ko at mahal ako.

|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top