Ika'y Nasaktan
Ika'y Nasaktan
Kumusta ka na kaibigan?
Umaasa akong ayos ka lang,
na wala na iyong sakit
na idinulot ko nang ako'y lumisan.
Ito ako, nagbabalik na.
Tanggap mo pa rin ba ako?
Malakas na sampal ang itinugon mo.
Nasaktan nga kita nang sobra.
Patawad aking kaibigan—
sa aking ginawang paglisan.
Nais ko na lumayo muna sa'yo
dahil baka mas masaktan lang kita.
Mas masasaktan ka kapag nakikita mo—
akong nagdurusa't nahihirapan.
Patawad kong itinago ko sa'yo—
na ako'y may dinaramdam na sakit.
Bakit ka ngayon lumuluha?
Ika'y nasaktan ko na naman ba—
dahil sa sinabi kong rason ko?
Tahan na, nasasaktan din ako.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top