Hustisyang Pilit Ipinagkakait

Hustisyang Pilit Ipinagkakait

Hangga't may tatsulok
at sila ang nasa tuktok.
Hindi matatapos itong gulo.

Tama! Hindi matatapos itong gulo
Hanggang ang mga korap na opisyales
ang nasa posisyon!
Pera ng bayan kanilang ibinubulsa!

"Hustisya! Hustisya!"
sigaw ng mga mahihirap na nakulong
kahit na walang kasalanan.
Mga napagbintangan lang.

Nasaan na ang katatungan?
Bakit pilit na ipinagkakait
sa mga wala namang sala?
Kailangan bang may pera sila?

Oo, ata. Kailangan nila ng pera,
pera na pangsuhol sa mga nasa posisyon.
Aha! Mga sakim sila sa pera!
Pera na ang sinasamba nila.

"Hustisya! Hustisya!"
Nasaan na nga ba?
Bakit ipinagkakait sa mga mahihirap?
Dahil ba sila'y walang perang pangsuhol?

"Hustisya! Hustisya!"
sigaw ng mga pinagbintangan lang.
Hustisya'y huwag nang ipagkait.
Ibigay na sa mga wala namang sala!

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top