Hamong Kaharap


Hamong Kaharap

Trahedya sa buhay ko,
Kailan kaya hihinto?
Ako'y sobrang pagod na
At hindi ko na kaya.

Pahirap nang pahirap
Ang hamon na kaharap
Na walang katapusan
At di na makayanan.

Susuko na ba ako
Dahil ako ay bigo?
O ako'y lalaban pa
Dahil may pag-asa pa.

Gagawin ba ang tama
Kahit ito'y huli na?
Ipipilit ang mali
Kahit di maaari.

Oras ay tumatakbo.
Huwag ka nang huminto.
Ika'y magpatuloy na
Dahil may panahon pa.

Gagawin na ang tama
Dahil hindi umubra
Ang salitang tama na
Dahil ika'y pagod na.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top