Gusto Kita
Gusto Kita
Nag-aalingan kung sasabihin sa iyo
na ika'y gusto ko, ginoo.
Oo, matagal na kitang gusto—
simula nang una kitang makita.
Sa ngiti mo'y ako'y naaakit.
Sa tawa mo'y ako'y napapasabay.
Sa boses mo'y ako'y mas nahuhulog.
Ginoo, maaari bang sa akin ka na?
Sobra kitang hinahangaan, ginoo.
Sa kagwupuhan mong taglay
at sa mga talentong mayroon ka.
Ikaw na nga ang pinapangarap ko.
Gusto kita, totoo.
Sana nama'y gustuhin mo rin ako.
Hindi ko inaasahan na—
may gusto ka rin pala sa akin.
Napakasaya ko, ginoo.
Salamat at gusto mo rin ako.
Sana dumating iyong panahon na—
mahal na natin ang isa't isa at 'di lang gusto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top