Dulot ng Nakaraan

Dulot ng Nakaraan

Ako'y nakakilala ng dalawang tao,
pareho kong itinuring na kaibigan.
Matagal kong kilala at kaibigan ang isa
bago pareho naming nakilala ang isa pa.

Naging malapit kaming tatlo sa isa't isa
hanggang sa ako'y malayo sa kanila.
Ako'y kanilang pinagkaisahang saktan.
Hindi na raw nila ako kaibigan.

Ako ba'y kanilang pinagloloko lamang
o talagang ayaw na nila akong kasama?
Kami naman ay nagkaayos
ngunit labis akong nasaktan sa nangyari.

Simula noon, ako'y mas nakaramdam ng pag-iisa.
Natatakot na rin na makipagkaibigan pa.
Hanggang ngayo'y naaalala ko pa rin ang nakaraan,
matagal na iyon pero iyong sakit nandito pa rin.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top