Dugo'y Dumanak, Luha'y Pumatak
Dugo'y Dumanak, Luha'y Pumatak
Araw at gabi, kahit anong oras
ay puno ng takot ang sinuman—
sinumang mamayan sa bansa
na sakop na ng mga dayuhan.
Kay rami na ng dugong dumanak.
Kay rami na ring luhang pumatak.
Kailan matatapos ang kaguluhan?
Kailan makakamit ang kalayaan?
"Sugod! Para sa kalayaan!"
puno ng tapang na sigaw ng mga mamayan
at sabay na tumakbo para lumaban
dala ang sibat at itak na panlaban.
Ilang minuto na ang lumipas
at marami na ang namatay
mula sa magkabilang panig.
Sino nga kaya ang mananalo?
Konti na lang, konti na ang natira—
natirang mga mamamayang lumalaban.
May pag-asa pa ba kayang manalo sila?
Kung ang kalaban nila'y baril ang sandata?
"Laban pa! Para sa kalayan ng bansa!"
matapang na sigaw ng isang babae.
"Paquita! Anong ginagawa mo rito?
Umalis ka na rito kapatid ko!"
"Hindi maaari! Lalaban din ako!
May kaya rin ako kuya Fernan!"
Magsasalita pa sana si Fernan
pero nakaalis na si Paquita sa tabi nito.
Ilang minuto ang nagdaan.
"Leandro! Dapat ka nang mawala!"
galit na sabi ni Fernan at agad na—
sinugod ang nanggagalang Leandro.
"Ikaw ang dapat mamatay Fernan!"
nang-aasar na sabi ni Leandro.
"Hindi ba't minsan ka nang nagtaksil—
sa bansang kinabibilangan mo?"
Nagsalubong ang dalawa sa gitna.
"Ginawa ko iyon para linlangin kayo!
Ikaw ang taksil at nagpaalipin sa dayuhan.
Nasilaw ka sa kinang ng ginto!"
Naglaban nang naglaban ang dalawa
hanggang sa ang isa'y talagang hapo na.
"Ito na ang wakas mo at ng kaguluhan.
Magiging malaya na ang bansa!"
"Hindi ako makakapayag! Ikaw—
ikaw ang dapat mamatay!"
Inilabas ni Leandro ang baril na dala
saka ikinalbit at ipinutok sa ulo ni Fernan.
"Fernan! Kapatid ko! Hayop ka Leandro!"
Tumawa nang tumawa si Leandro.
Patakbong sumugod si Paquita kay Leandro
ngunit isang bala ang sumalubong sa kanya.
"Hindi! Hindi! Hindi maaari!"
"Paquita? Anong hindi maaari?"
"Wala, wala po guro. Pasensiya na,"
nag-aalinlangang sagot ko sa aming guro.
"Dugo'y dumanak, luha'y pumatak."
Rinig ko na tila sinasabi ng isip ko.
Pamilyar, oo tama. Ang nakaraan.
Tinignan ko ang aming guro.
Ngumiti lang sa akin ang guro.
Sa ngiti niya tila alam ko na,
ramdam ko na at naiintindahan ko na.
Napunta ako sa nakaraan dahil sa kanya.
Sa pagtitig ng aming guro sa akin kanina
ay siyang pagpunta ko sa nakaraan
at gumanap bilang isa sa kanila
na para bang kasama na sa kwento niya.
Dugo ang dumanak, luha ang pumatak.
Sa nakaraan ako'y pinapunta
para mapagtanto ang sakripisyo—
ng mga bayani at sila'y akin nang igalang.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top