Disyembre 31


Disyembre 31

Matatapos na ang taong ito.
Taong puno ng mga damdamin.
Saya, lungkot, galit at iba pa.
Tila ba sariwa pa ang lahat.

Ito ang taong maraming nangyari,
Mga pangyayaring di inaasahan
Na siyang yumanig sa mundo ko.
Mundong inakalang payapa lagi.

Ito ang taong nasaktan ako,
Nagdalamhati ng sobra
At nahirapang lumimot sa mga trahedya.
Nandito pa rin ang kirot sa aking loob.

Nadurog man ang puso ko sa taong 'to
Pero may dala pa rin siyang saya,
Sayang di matutumbasan ng kahit ano
Sapagkat ito ay dulot ng katotohanan.

Ito ang taong nagpalakas lalo sa akin.
Binigyan ako ng mga pagsubok
Na akala ko di ko na malalampasan
Pero nakaya ko dahil sa Kanya.

Nakaramdam man ng galit
Na dulot ng mga pasakit
Pero ito'y naging simbolo ng katatagan
Na kahit mag-isa ka'y kaya mo.

Matatapos na ang taong 'to.
Marami mang nangyaring masakit
Pero tayo'y sinubok lamang Niya.
Tayo'y magpasalamat sa Kanya.

Ito ang huling araw ng taon
Pero hindi pa tapos ang lahat.
Marami pang mangyayari sa atin
Kaya tayo'y maghanda na kasama Siya.

~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top