'Di Ba't Sabi Mo

'Di Ba't Sabi Mo

Nangako ka, hindi ba?
Sabi mo ako lang, sinta
at wala nang iba pa.
Ngunit bakit mayroong siya?

'Di ba't sabi mo noon
na ako'y papakasalan mo pa?
Ngunit bakit sa iba mo na tutuparin?
Ako'y naiwan ditong luhaan.

'Di ba't sabi mo bubuo tayo ng pamilya?
'Di ba't nangako ka sa akin?
Bakit 'di na ako ang pangarap mong—
magiging ina ng mga anak mo?

Saan nga ba ako nagkulang?
'Di ba't sabi mo noon na ako'y sapat na?
Ngunit ngayon ay alam ko na—
na ang mga sinabi mo'y biro lang.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top