Dahan-dahan
Dahan-dahan
Dahan-dahan,
iyan ang gusto ko.
Dahan-dahan lang
na ako'y iyong mahalin.
Ako sana'y iyong sulyapan.
Unti-unting lingunin
hanggang ang iyong mata'y
nakatutok lang sa akin.
Sana ako na'y pansinin.
Dahan-dahan na ako'y kausapin
at ang atensyon mo lang
ay ituon sa akin.
Dahan-dahan lang.
Kung pwede lang
at ako na'y mahalin na
kahit paunti-unti lang.
Ito ang aking kahilingan,
pwede mo bang tuparin?
Ako sana'y ibigin na
kahit dahan-dahan lang.
Di kita minamadali,
nais ko lang
na malaman mo
na ika'y mahal ko.
Maghihintay ako
hanggang sa mapansin mo
at ang puso mo'y
ako na ang tinitibok.
Kahit dahan-dahan lang
at ako'y mahalin na.
Unting sulyap naman
at ako na'y lingunin.
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top