Buhos Ng Ulan

Buhos Ng Ulan

Sa pagbuhos ng ulan,
kasabay nito ang pagpatak—
ng aking mga luha,
luhang kanina pa pinipigilan.

Sa gilid nitong kalsada,
nakaupo ako't patuloy na umiiyak.
Walang pakialam sa sasabihin—
ng kung sino mang nakakakita sa 'kin.

Ganito ba talaga ang mundo?
Bakit napakadaya niya?
Nais ko lang naman na lumigaya
pero lungkot ang laging nadarama.

Itong ulan ang aking sandigan.
Ang pagbuhos niya'y aking kasiyahan
dahil tila ako'y dinadamayan niya—
sa pighating aking nararanasan.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top