Biro Lang Pala
Biro Lang Pala
Labis kong hinangad na mapasaakin ka
Ngunit laking pagkakamali nang makuha na kita.
Akala ko ikaw na ang katuluyan ko
Ngunit isang malaking biro pala.
Lahat na lang nagbago.
Nawala na ang dating ako.
Unti-unting nag-iba ang mundo ko
Dahil sa mga kalokohan mo.
Sana di na nakilala,
Isang taong tulad mo.
Sana di na naniwala
Sa salitang "mahal kita".
Umasa ako nang lubos.
Akala ko mahal mo ako,
Iyon pala biro lang.
Pinaglaruan mo lang ako.
Sobra akong nagsisi
Ngunit huli na.
Wala na akong magagawa
Kasi tapos na, nangyari na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top