Binigyang Pag-asa
Binigyang Pag-asa
Napatanong ako sa aking sarili,
"Bakit nangyayari ito sa akin?"
Mga pagsubok ay sunod-sunod—
na dumarating upang ako'y subukin.
Katawan ko'y nanghihina na.
Kaluluwa ko'y nagsusumamo na—
na pwede bang tama na muna?
Maaari bang sumuko na lang ako?
Hindi alam kung sino ang lalapitan
upang aking maging sandalan—
sa panahong hindi ko na talaga kaya.
Pakiramdam ko'y nag-iisa ako.
Hindi ko inaasahan na darating ka
upang iparamdam na 'di ako nag-iisa.
Ako'y iyong inilapit sa Maykapal
na dati'y hindi ko pinapaniwalaan.
Ikaw ang nagbigay pag-asa sa akin
na magpatuloy pang lumaban.
Binigyan mo ako ng pag-asa
na buhay ko'y papahalagaan pa.
Salamat, salamat kaibigan ko.
Salamat sa pag-asang ibinigay mo.
Hindi na ako kailanma'y nag-iisa
dahil nariyan ka upang samahan ako.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top