Bato
Bato
Lubha kang magsisisi
Dahil sa ginawa mong mali
Kung di ka sana nanakit
Di mo matitikman ang pait
Pait ng paghihiganti
Mula sa naghihiganti
Taong lubos na sinaktan mo
Na ngayo'y maniningil sa'yo
Mali ka nang sinasabi noon
Dahil masisilayan mo na ngayon
Ang bangis ng taong nilupitan mo
Na inakala mo ay walang laban sa'yo
Itaga mo ito sa bato
Ang tao ay nagbabago
Tulad ng isang bato
Na dahandahan nagbabago ng anyo
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top