Bakit Pa Ba?

Bakit Pa Ba?

Bakit pa ba?
Bakit pa ba ako aasa?
Aasa na mamahalin mo rin ako
at pipiliin mo.

Ano nga ba ako sa'yo?
Sa pekeng mundo—
oo sa mundong ito lang kita nakilala.
Pero mahal na kita, totoo.

Bakit nga ba?
Bakit ikaw kung may iba pa naman?
Ano nga bang mayroon sa'yo
na nagustuhan nitong puso ko?

Bakit pa ba ikaw?
Bakit mahal pa rin kita
kahit may mahal kang iba.
Bakit? Bakit ikaw?

Anong laban ko sa mahal mo
na mas malapit kaysa sa akin.
Nakakasama mo siya
samantalang ako, nakakausap mo lang.

Ano ba ito?
Alam mo bang nagseselos ako?
Nakikita ko ang larawan n'yo
at grabe ang saya n'yo.

Bakit pa nga ba ako aasa?
Aasang mamahalin mo rin
kung gayong may nauna na.
Wala na, talo na talaga ako.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top