Bakit Ikaw?


Bakit Ikaw?

Bakit sa'yo pa nagkagusto?
Sa'yo na 'di ako napapansin.
Bakit pa ikaw ang nagustuhan?
Marami namang iba, bakit ikaw pa?

Ano bang nagustuhan sa'yo?
Hindi naman ikaw ang tipo ko
pero sa'yo pa rin nagkagusto.
Ano ba! Bakit pa kasi ikaw?

Marami nga akong pwedeng magustuhan
pero sa'yo nahulog nang husto.
Mahal na kita, hindi basta gusto lang.
Ngunit alam kong 'di mo ako magugustuhan.

Nais kitang kalimutan nang tuluyan
pero hindi ko alam kung paano sisimulan.
Paano nga ba kita makakalimutan?
Kung gayong sa'yo nagkagusto nang lubusan?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top