Alaala
Alaala
Marami pala akong alaala sa aking kamusmusan
na ngayo'y tila wala na sa aking isipan.
Napapangiti na lang sa mga kwento
na isinasalaysay ng mga magulang ko.
Di maiwasang tumulo ang mga luha
dahil sa kirot na nadarama.
Bakit nga ba nakakalimutan ko na
ang mga alaala noong ako'y bata pa?
Ang mga masasayang pangyayari noon
na dapat inaalala ko ngayon
ay unti-unting naglalaho nang bigla
hanggang sa tuluyang makalimutan ko na.
Pilit mang ito'y gunitain palagi
upang kirot sa puso'y mapawi
ngunit ang isipan ay nahihirapan
at ang puso'y tila mas lalong nasusugatan.
Pipiliin na lang na huwag nang tandaan
ang mga alaala noong kamusmusan
sapagkat pagsisisi lang naman ang nararamdaman
na sana mas nasulit iyon nang lubusan.
~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top