Ako Na Lang Sana
Ako Na Lang Sana
Maaari ba na ako'y iyong pansinin?
Maaari bang atensiyon mo'y ituon sa'kin?
Maaari bang ako'y iyong ibigin?
Maaari bang ako na lang sana?
Desperado na ako kung desperado.
Nais ko na ika'y maging akin.
Hiling sana na ako'y iyong pagbigyan.
Maaari bang ako na lang ang ibigin mo?
Ngunit tila kahit anong gawin ko,
hinding-hindi ka magiging akin.
Kayo nga atang dalawa ang itinadhana
at ako'y pagsubok lamang sa inyo.
Patawad kung relasyon ninyo'y ginugulo ko.
Pangakong titigil na ako sa ginagawa ko
dahil ako lang din naman ang laging talo.
Hilingin man na sana ako na lang, 'di rin mangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top