Aking Sarili
Aking Sarili
Isa akong manunula(t).
Mga kwento't tula aking isinusulat.
Ang mga ito'y hango sa aking buhay.
Oo, ang paksa ko'y ang aking mga karanasan.
May mapait ngunit may masaya rin.
Kadalasan nga lang ay masasakit
ngunit ito'y nagbibigay ng aral sa sinuman.
Ito ang kwento ng buhay ko.
Hindi ko pinangarap na maging sikat.
Ang nais ko lang ay ipahayag ang aking damdamin
upang magbigay sana ng inspirasyon sa iba,
lalo na sa aking mga mambabasa.
Ako at ang aking mga isinusulat ay iisa.
Nagsusulat ako hindi lang para sa iba
kundi para rin sa aking sarili
dahil ang pagsusulat ay kasiyahan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top