Aking Guro
Aking Guro
Ako'y napadpad sa aming paaralan
at nakita ko ang isang guro—
na labis kong hinahangaan.
Siya ang guro namin sa Filipino.
Napansin niya ako at siya'y ngumiti.
Naglakad ako palapit sa kanya
nang may ngiti sa aking labi.
Ako'y kaniyang malugod na kinumusta.
Kami'y nagkumustahan at nagkwentuhan.
Hindi pa rin siya nagbabago,
siya pa rin ang guro kong palakwento.
Isa itong dahilan kung bakit ko siya hinahangaan.
Nang dahil sa kaniya'y ako'y nakapasa.
Oras niya ay kanyang isinakripisyo noon
upang ako'y lubos na maturuan.
Bagsak kasi ako sa halos lahat ng asignatura ko.
Lubos akong nagpapasalamat sa kanya.
Ipinaintindi niya sa akin—
ang kahalagan ng edukasyon.
Siya ang naging inspirasyon ko.
Hindi lang siya basta guro ko lang,
siya rin ay ang aking ina—
na ako'y lubos na pinagtiyagahan
at pagmamahal niya'y ipinadama sa akin.
*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top