Akala


Akala

Akala mo alam mo na ang totoo
ngunit hindi pa pala.
Akala mo sapat na ang nalaman mo
pero marami ka pa palang aalamin.

Inakala mong alam mo na lahat,
lahat ng katotohanan tungkol sa'yo.
Nagkwento ka pa nga sa iba ng tungkol dito
ngunit tila isang katha na ang iyong isiniwalat.

Ang sakit isipin na akala mo lang pala iyon.
Ngayon, nagsisisi ka na naikwento mo ito sa iba.
Ayos lang iyan, di naman siguro sila nakinig di ba?
Ngunit maaring akala mo lang ulit iyan.

*~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top