Stop or Support

Stop or Support

          “It hurts. It really hurts,” sabi ko habang nakalagay ang kamao ko sa may dibdib ko.

          “Ang magmahal ng ganito,” awit ni Zeya na ikinaiinis ko.

          “Seryoso ako, Zeya! Huwag ka naman magbiro.”

          “Pasensiya na. Ano ba kasi iyon?”

          “They want me to stop taking medicines,” sabi ko habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

          “But why? Kailangan mo iyan.”

          “Kasi nga raw ito ay kemikal. Alam ko naman naman e. Hindi ba pwedeng saka lang ako titigil sa pag-inom ng gamot kapag sinabi na ng aking doktor?” Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha.

         “Bakit ganyan sila? Para rin nan sa iyo ang pag-inom mo ng mga gamot eh. Hindi ba nila naiintindihan iyan?”

         “Hindi ko alam. Hindi siguro nila alam na mental health is important as physical health. Naiinis na ako, Zeya. Do they really care for me? Parang hindi e. Ang sakit.” Nagpunas ako ng aking luha.

          “Layka, alam ko matatag ka. Laban lang ha? Malalampasan mo iyan. May tiwala ako sa iyo,” sabi ni Zeya at lumapit siya sa akin upang yakapin.

          Medyo gumaan ang pakiramdam ko pero patuloy pa rin sa pagluha ang aking mga mata. Iyong pamilya mo pa mismo talaga ang magsasabi na tama na ang pag-inom ng gamot. Sabagay, ang mahal naman kasi ng gamot e.

          “Zeya,” pagtawag ko sa kaniya.

          “Bakit?”

           “Salamat. Salamat kasi nandiyan ka. Lagi mo akong dinadamayan.” Mas humigpit ang yakap niya.

          “Walang anuman, Layka. Basta laban lang ha? Huwag kang susuko.”

          Yumakap din ako sa kaniya at hinigpitan ang pagyakap ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top