Module

Module

Nasa isang silong ako malapit sa aming isang greenhouse. Kasalukuyan akong nagsasagot ngunit mayamaya ay tinamad.

Naisipan kong pumunta sa isang sulok na malakas ang signal. Mainit man pero sanay na ako.

Kung ano-ano na ang ginagawa ko rito sa cellphone ko. May sinearch din ako para sa sinasagutan kong module. I feel so bored yet still enjoying a little.

Biglang humangin nang malakas. Nalamigan ako kahit na malakas ang sinag ng araw.

Umalis na lang ako sa pwesto ko at bumalik sa may silong. Naupo sa upuan at hinanap iyong module na sinasagutan ko.

“Nandito lang iyon ah. Saan na napunta?" tanong ko sa isipan ko.

Nag-alala pa ako kasi paano na?

Hinanap ko nang hinanap at napunta pala sa may baba ng silong. Slope ang area kaya medyo mahihirapan akong kunin ang module ko. Umapak na ako sa lupa at kainis! Lumusot iyong paa ko!

Inabot ko iyong module ko pero humangin at mas bumaba pa ito. Kainis!

Baka may ahas na biglang lumitaw e mga damo na sa mas baba pa.

Pilit kong inabot ang module ko at dali-daling umalis doon. Nanginig na rin kasi ako bigla sa ‘di malamang dahilan.

Bumalik na ako sa table ko at nilinisan ang module na nadumihan. Nang matapos ko at nagsagot na ulit ako. Lumamig bigla pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top