Chapter Two

Chapter Two

"Ito'y maling akala, isang malaking sablay...."

BLUE

I don't like her.

Ayun ang unang pumasok sa isip ko nung una ko siyang makilala.

She's so rude, walang pagpapahalaga sa oras ng iba, mataray at parang every second laging naghahanap ng away. The way she talks is always so full of sarcasm. At higit sa lahat, she's way too toxic to handle.

Pero despite of all of that, bakit ko ba siya minahal?

Hindi ko rin alam. Ilang beses ko nang kinuwestyon ang sarili ko kung may sira na ba ulo ko? Naalala ko yung mga naging girlfriend ko in the past. Pag nag aaway na kami, nakikipag hiwalay na agad ako. I can't handle the drama, I can't hande the toxicity.

Pero tignan mo nga naman ang nagyayari sa akin ngayon. Para akong naghanap ng batong ipupukpok sa ulo ko.

I shouldn't have went with her that night.

~*~

Why the hell am I here?

Napatingin ako sa paligid. Maraming tao, mausok, maingay.

Tinignan ko ang babaeng nakaupo sa tabi ko dito sa bar counter kung saan kami nakapuwesto. Natuyo na yung kaninang basa niyang buhok. Mas aninag ko na yung mukha niya ngayon. There's a playful smile on her lips while she's staring at the bucket of beer in front of her. 

I have to admit, she really is beautiful at habang binubuksan niya ang isang bote ng beer, there's this glimpse of innocence on her face.

Ang saya niya tignan ha? Samantalang kanina nung pinuntahan niya ako sa coffee shop, simangot ang isinalubong niya sa akin. Tapos salubong pa yung kilay nung tinitignan niya yung menu na ginawa ko. Pero ngayon parang inosenteng bata na ang saya saya sa nakikita niya.

Kung bakit niya ako hinatak sa bar kahit na kanina pa lang kami nagkakilala ay hindi ko naiintindihan. Kung bakit ako nagpahatak ay mas lalong hindi ko naiintindihan.

Napatingin ako sa orasan sa phone ko. It's already 7PM. May gig ang banda ni Vanna ng 10pm. Plano ko pa sana mag laro ng DOTA saglit bago ako pumunta sa gig niya kaso, bukod sa late na dumating ang babaeng 'to sa meeting namin, kinidnap pa ako.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa kanya. Inangat niya ang tingin niya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. The innocence I've seen was gone.

"Alam kong maganda ako, pero tititig ka na lang ba sa akin o tutulungan mo akong ubusin 'tong mga beer na 'to?" tanong niya.

"Kailangan ko nang umalis," sabi ko. "May gig kasi si Vanna. Iniintay ako nun. Hindi nakakakanta yun pag wala ako."

I was about to stand up nang bigla niyang hawakan ang braso ko at hinila niya ako paupo ulit sa bar stool.

"Natatakot ka ba sa'kin?" she asked with a playful smile on her lips. "Bakit ka alis na alis?"

"Hindi naman. Pero kay Vanna oo. Nakakatakot magalit 'yon eh. Parang lalamunin ka niya ng buhay," I attempted to leave again pero muli niya akong hinila paupo.

"10PM pa naman 'yun 'di ba? It's still too early. Samahan mo muna ako."

Isa pang ayoko ay yung makulit. Yung mga taong hindi marunong makaramdam. Gusto ko na lang magalit at mag walk out pero masyado rin akong mabait at gentleman para gawin ang bagay na 'yun.

Vanna bakit ba ganito 'yung ipinalit mo sa'yo?

Tinignan ko siya. She gave me one of her innocent smile. Parang in an instant, nawala ang yamot ko.

Kainis ang cute.

She really knows how to work her charms huh?

She placed an opened bottle of beer in front of me.

"Inom na," she said.

I knew it. Beautiful girls are dangerous.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay, isang bote lang tapos aalis na ako ha?" sabi ko sabay tungga ng beer na ibingay niya. Ikinalahati ko agad. Mas mabilis maubos, mas mabilis akong makakaalis.

Napalingon ulit ako sa kanya at nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin in amusement.

Problema nito?

"Jowa mo ba si Vanna?"

I choke on my beer.

"Best friend ko yun!" mabilis kong sagot.

"Defensive?" mapang-asar niyang tanong.

Wow this girl. Kakakilala pa lang namin tapos inaasar niya na ako agad.

Parang naririnig ko sa isip ko ang boses ni Vanna habang sinasabi niya ang mga salitang "feeling close si ate mo ghorl." May pa-irap pa yan.

"Kaibigan ko lang si Vanna. Parang kapatid ko na yun," sabi ko. Teka bakit ba ako nag papaliwanag sa kanya?

She shrugged again, "if you say so." She took a sip on her beer. "So, bakit Blue ang pangalan mo?" she asked out of nowhere.

Well, that's not the first time I've heard that question.

Nag kibit balikat ako, "mahilig sa blue parents ko."

Napatango siya, "pero masaya ka naman?"

"Saan? Sa pangalan ko?

Tumango siya.

"Ayos lang," sabi ko. "Yung nililigawan ko nun kaya ako sinagot kasi Blue ang pangalan ko. Lahat kasi ng gamit niya blue. Sabi niya swerte raw sa kanya ang ganung kulay."

"So isa ka sa mga gamit niya?" diretsahan niyang tanong.

Hindi lang siya rude, prangka pa.

Buti na lang talaga marunong ako sumakay sa ganyang mga biruan.

"Naging swerte naman siya nung sinagot niya ako," I said with a wink. "Inalagaan ko rin 'yon."

"Kayo pa?"

Umiling ako, "hindi na. Five months lang din kami nun."

"Sino nakipag break?"

Nilingon ko siya at nginitian, "bakit interesado ka sa lovelife ko?"

"Hindi na kasi ako makahanap ng iba pang interesting sa'yo."

Aba't---!

Pinanliitan ko siya nang mata, "but you dragged me here to have a drink with you."

Napatawa siya nang bahagya, "wag masyadong lalaki ulo. Wala lang akong makasama kaya ikaw ang hinatak ko."

Napatango ako then I took another sip of my beer.

"Gawain mo ba 'yun? Mang hatak ng kung sinu-sino para makipag inuman?"

She just answered with a shrug.

"Ako, ayoko ng name ko," sabi niya, changing the subject.

Sinakyan ko lang ulit ang trip niyang topic tutal libre naman niya ang beer.

"Bakit?" tanong ko. "Maganda naman ang Anya."

"Hmm," she said then she took a sip of her beer. "Hindi naman sa ayaw ko ang Anya. Pero pag naging Maria Anya Love Enrique na, ibang usapan na. Mapapalagpas ko ang Maria, pero may Love talaga?"

Bahagya akong natawa sa sinabi niya, "baka mahal na mahal ka lang ng parents mo kaya ganyan."

She rolled her eyes, "not really. Di naman ako kamahal mahal," she said with a laugh.

"Woah there. Bakit may hugot? Broken ka ba ngayon kaya ka bigla biglang nagyayaya makipag inuman?"

And again, she answered with a shrug.

I let it pass. Halata naman na ayaw niyang pagusapan kaya hindi ko na kinulit.

Diniretso ko na nang inom ang beer ko hanggang sa maubos ko 'to.

"Times up," sabi ko at tumayo ako. "Kailangan ko nang umalis."

She look at me with an expressionless face at tumango. "Okay. Enjoy sa gig ng jowa mo."

Napailing na lang ako, "hindi ko nga jowa."

"Sabi mo eh," sabi niya sabay iwas ng tingin.

"Ingat," sabi ko.

Nilingon niya ako at ngumit sa akin.

"Mr. Blue de Guzman, pa fall ka ba?"

"Huh?" takang taka kong tanong.

Umiling siya habang nakangiti, "wala. Sige na umalis ka na."

Tumango lang ako and then I leave. Bago ako lumabas sa bar, I decided to go to the restroom first.

For some reason, para akong nakonsensya na iwan si Anya doon. Pero mas kawawa ako kapag na late ako sa gig ni Vanna kaya kailangan ko nang umalis.

Pag labas ko ng restroom, napalingon ako sa may bar area kung saan kami nakapuwesto kanina ni Anya. Nakita kong may lumapit sa kanya na dalawang lalaki.

"Hi miss," sabi nung isa. "Mind if we join you?" tanong nito.

"You look quite young. Estudyante ka pa 'no?" sabi naman nung isa.

Hindi ko maaninag ang facial expression ni Anya pero iniintay kong tarayan niya yung dalawa.

Pero nagulat ako sa sagot niya.

"Okay."

Okay?

OKAY?!

Is she crazy? Itsura pa lang nung dalawang gago parang hindi na mapagkakatiwalaan--!

Naghahanap ba siya ng ikakapahamak niya?!

Hindi ko napigilan ang sarili ko at bumalik ako sa may bar area.

"Anya," tawag ko sa kanya at hinawakan ko ang wrist niya. "Lipat tayo ng pwesto."

"Oh, you're back."

Napatingin ako sa dalawang lalaki na nakatingin na sa akin ng masama.

"Kasama ko," sabi ko sa kanila as I tried to be calm as possible. Ayokong mag hanap ng gulo. Pag nagka bugbugan na lugi ako sa dalawang 'to.

Nginitian sila ni Anya, "next time na lang boys," sabi nito at tumayo dala ang beer niya at sumunod sa akin.

"Akala ko ba aalis ka na?" tanong sa akin ni Anya.

Napabuntong hininga na lang ako, "hanggang 9:30 lang. Makakaabot pa ako sa gig ni Vanna. Kaya bilisan mo na uminom. Hindi kita pwedeng iwan dito."

Napangiti siya.

"Alam mo Blue, masyado kang mabait. Mapapahamak sa ganyan."

Nung sinabi niya sa akin 'yon, hindi ko siya inintindi, without knowing kung gaano kabigat ang mga salitang iyon.

Kasi nung gabing niligtas ko siya, doon na ako nagsimulang mapahamak.

~*~

VANNA

"Vanna, in ten minutes aakyat na tayo sa stage ha?" sabi ni Gem, yung drummer namin. "Stand by na."

Wala ako sa sarili na tumango habang nakatingin sa audience.

Nasaan na ba yung adik kong bespren?

I send another text message to Blue.

"Asul, san ka na? Ba't 'di ka nag rereply? Wag mong sabihin nakalimutan mo yung gig namin sasapakin kita."

Naka ilang text na ako sa kanya pero no reply pa rin.

Napa buntong hininga ako.

I feel uneasy to be honest. Never naman na-late yung si Asul sa kahit anong gig namin. Kung hindi siya makakapunta, nagsasabi siya beforehand.

Hindi kaya ginagantihan ako nito dahil inindian ko siya doon sa cooking contest?

Napailing ako.

Imposible. Alam ko minsan ang petty ng mokong na 'yun pero hindi naman niya gagawin 'to. Hindi naman niya ako matitiis.

Hindi kaya... may nangyari sa kanya?

Mas lalo akong kinabahan. Inilabas ko ulit ang phone ko at tinawagan ko siya.

Ring lang nang ring ang phone niya. Mas lalong tumataas ang anxiety ko. Lagi nun hawak ang cellphone niya, imposibleng hindi niya sagutin.

Asul patay ka talaga sa akin mamaya!

Just when I was about to cancel the call, biglang may sumagot ng phone niya.

"Hello?"

It's a female voice.

"Hello? Phone ba 'to ni Blue?" tanong ko.

"Vanna si Anya 'to."

Anya?

O shoot, ngayon nga pala meeting nila. Pero wait, kanina pang 3pm ang meeting nila ah? Halos 10pm na. Magkasama pa rin sila?

"A-Anya.. si Blue?"

"Mahimbing ang tulog."

Nagulat ako sa sinabi niya, "tulog? Bakit siya natutulog? Asan kayo?"

"Niyaya ko kasi uminom, naparami inom niya, nalasing. So baka hindi na siya makarating diyan."

Natahimik ako. Hindi ko alam ang dapat maramdaman.

"I see. Nasaan kayo?"

"Dito sa amin," sagot ni Anya. "Anyway, don't worry about him. Ako na bahala."

Before pa ako makapag react, Anya ended the call.

Parang biglang sumikip yung dibdib ko. Ayokong mag assume pero...wow, they just met awhile ago tapos nag inuman na agad sila. Wow.

Huminga ako nang malalim.

Sanay naman ako, eh. Sanay ako sa lahat ng kalokohan ni Blue.

Ilang beses na ba akong naging tulay at third wheel sa mga babaeng nagugustuhan niya?

Minsan ako pa taga bili ng bulaklak at mga panregalo niya. Minsan sa akin pa niya sinusukat yung mga bagay na para sa nililigawan niya.

Maganda si Anya. I can't blame him kung kakakilala pa lang niya, nag bonding na agad sila.

Sanay naman ako.

Baka nandito na naman kami sa punto ng buhay niya na manliligaw na naman siya at magkaka girlfriend kahit kakasabi lang niya nung isang araw na parang never na siya maiinlove. Kahit kakasabi niya lang na kami na lang magpakasal.

Nakakatawa.

Bakit ko ba kasi masyadong sineseryoso ang mga jokes niya na ganun? Eh gago lang talaga ang bestfriend ko at mahilig mag biro ng ganun.

Best friend.

Minsan hindi ko alam kung gift ba o curse ang maging best friend niya.

Gift kasi above others ako ang pinaka nakakakilala sa kanya?

O curse kasi hanggang ganoon na lang talaga kami.

Best friends.

Falling in love with your best friend is a curse indeed.

Hanggang kailan ko ba gagawin 'to?

Minsan, ayoko na.

"Vanna let's go!"

Pinilit kong alisin sa isip ko yung sinabi ni Anya.

Nakangiti akong umakyat sa stage while hyping the crowd. Medyo jampack ang bar ngayon. May sikat na banda kasing tutugtog. Ang gandang opportunity nito para mapakinggan kami ng mga tao.

Napatingin ako sa crowd. Nakakatawa na hinahanap ko pa rin si Blue kahit alam kong hindi na siya darating.

Sanay naman ako na-i-indian ni Blue para sa ibang babae.

Pero bakit masakit pa rin.

Sayang, 'di niya kami maririnig. Para sa kanya pa naman yung pinili kong kanta tonight.

"Our first song is Kathang Isip by Ben&Ben."

To be continued...

A/N

Curious lang, nakikita niyo ba yung mga images na inu-upload ko in between ng narrations? Hehe

Also, I'm on twitter (iamalyoony) ... you may also tweet your reactions :) tag me please or use the hashtag para makita ko.

#KathangIsipWP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #alyloony