Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Two
BLUE
I love watching V on stage. She shines the brightest whenever she's doing the thing she loves the most.
Katulad ngayon.
The moment she went up the stage, I totally lost it. I can't keep my eyes off her. I know she looks at my direction a couple of times. Maybe she spotted me, maybe not. It's hard to tell kasi ang daming tao. But one thing is for sure, nahulog na naman ako sa kanya ngayong gabi.
Grabe, ilang beses ko na bang sinubukan umalis sa sitwasyon na 'to pero palaging dito pa rin ako bumabagsak?
Wala na ata talaga akong kawala kay V.
My whole attention was on V that time that I became unaware of what was happening around me. I think I heard Anya asked me something pero hindi ko naintindihan at hindi ko rin nagawang sagutin dahil nakatingin lang ako kay V. Ni hindi ko rin napansin na nakahawak na sa braso ko si Anya at nakadantay na ang ulo niya sa balikat ko because I was so engrossed on how V sings. Iba ang hatak ng emosyon. Bawat bitiw niya ng linya, parang balang tumatama sa akin, kasi—wow, yung kantang pinili nila, sobrang sakto sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Basta't ang alam ko lang,
Ay sobrang daling mahulog sa'yo..."
Sobrang dali talaga, V. Yung klase ng hulog na hindi na ako makaahon.
Nakita kong lumingon ulit si V sa direksyon namin. Panandaliang nag tama ang tingin namin pero pandalian ding nawala ang atensyon ko sa kanya dahil naramdaman ko ang paghila ni Anya ng manggas ng damit ko kaya naman napalingon ako rito.
Everything happens in a split second. Lumingon ako kay Anya, at pagtingin ko sa kanya, her lips met mine.
Nagulat ako at bahagya akong napa-atras.
Aksidente? O sadya?
"Anya...?"
She gave me a smile as a sign na hindi aksidente ang nangyari.
"Tayo na lang kaya, Blue?" tanong niya sa akin. "Bagay naman siguro tayo?"
Natahimik ako. Bukod sa gulong gulo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Anya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nag bibiro lang.
"Pwede naman natin gustuhin ang isa't isa," she said and once again, she smiled at me widely. "Pero wag ka na muna sumagot ngayon. I-enjoy mo muna ang performance ng best friend mo."
So I didn't say anything, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko ma figure out kung seryoso si Anya doon.
Ibinalik ko ang atensyon ko kay V pero hindi na siya nakatingin sa pwesto namin. Hanggang sa matapos nila ang performance niya, hindi na ulit siya lumingon. I tried to catch her gaze nung pababa na sila ng stage pero ang bilis niyang bumaba. Ni hindi siya lumingon sa pwesto namin. Hindi ko tuloy alam kung nakita niya ba ako kanina o sa iba siya nakatingin?
For some reason, kinutuban ako na parang may mali. Ewan. Siguro sa tagal ko nang kilala si V ramdam ko na agad kung may problema ba? Nagkamali ba siya kanina? Hindi ko napansin kasi galing na galing ako sa kanya.
I tried to message her pero hindi siya sumasagot. Naka ilang tawag na rin ako but she just won't answer her damn phone.
"May mali," sabi ko kay Anya. "Puntahan ko lang si V sa backstage."
"Ha? Bakit? Isa na lang mag a-announce na sila ng result," sabi naman nito.
"Hindi nag re-reply sa akin."
"Baka lowbatt?"
Tumayo ako, "puntahan ko lang. Mabilis lang."
At bago pa ako pigilan ni Anya, dire-diretso akong pumunta sa backstage.
Nang makarating ako doon, may security na biglang humarang sa akin.
"Hindi po pwedeng pumasok yung hindi contestant," sabi nung security.
"Saglit lang brad, kausapin ko lang tropa ko nasa loob."
"Hindi pwede," mariin niyang sabi.
Napahinga na lang ako nang malalim at muling napatingin sa phone ko. Still no message from V.
May mali talaga, eh.
I was about to go back to my seat pero biglang lumabas mula sa backstage si Dawn---isa sa mga ka banda ni V.
"Dawn!" tawag ko at napalingon siya sa akin.
"O, Blue," sabi ni Dawn at napa-iwas siya sa akin ng tingin na parang may tinatago siya.
"Nasaan si V?" tanong ko.
Mas lalo siyang hindi makatingin sa akin.
"H-ha?"
"Nasaan si V?" pag uulit ko.
"Si V? Ah, umalis na siya."
Napakunot ang noo ko.
"Umalis? Eh hindi pa na-a-announce 'yung result?" tanong ko. Something's not right. "Yung totoo Dawn. Anong nangyari?"
Napakamot na lang sa ulo si Dawn, "sinundo ni JT. Tumawag yung parents ni V pinapauwi siya. Hindi ko alam kung bakit."
Nagulat ako sa sinabi ni Dawn. V's parents are back? Shit.
Hindi ko na alam ang detalye. Parang na blangko na ang utak ko. Dali-dali akong bumalik sa pwesto namin para mag paalam kay Anya. Halos hindi ko na siya napag salita. Bahala na. Babawi na lang ako next time sa kanya. Pero kailangan kong puntahan si V.
The whole time I was driving going back home, parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib ko.
V's parents is one thing. But V calling JT para ihatid siya pauwi is another. Hindi nakapunta si JT sa competition pero bakit siya pa rin ang tinawagan ni V? Alam naman ni V na nandoon ako ah? Bakit hindi ako ang sinabihan niya?
And why is she not replying to me?
Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin, napansin kong naka hazard ang kotse ni JT sa tapat ng bahay nina V. Inihinto ko ang kotse ko sa likod nito at pababa na sana ako nang biglang may lumabas sa gate ng bahay nina V.
It was V's dad. Kasunod nito ay yung mom ni V.
"Bumaba ka diyan!" dinig kong sigaw nito habang pasugod na papunta sa kotse ni JT.
Bumukas ang pinto sa passenger seat. Bumaba si V. At kahit malayo ako, I know she's crying. She went inside their house half crying. Sinundan naman siya ng dad niya.
Nakita ko rin na bumaba si JT sa kotse niya kaya napababa rin ako. Nakita kong nilapitan siya ng mom ni V at lumapit ako sa kanila.
"Good evening po tita," bati ko rito.
"Blue," sabi nito and she patted my back. "Hayaan niyo muna si Vanna ngayon," at sumunod na rin siya sa loob ng bahay.
"Anong nangyari?" tanong ko kay JT.
"Apparently, Vanna's been failing her subjects."
"What?"
"And hindi alam ng parents niya yung about sa banda."
Napahinga na lang ako nang malalim. Malamang papagalitan siya. Sana naman wag siya pahintuin sa pag b-banda.
"Saan ka nga pala galing?" tanong ni JT sa akin. "Wala ka sa competition kanina?"
"Nandoon ako," matipid kong sabi.
"May kasama ka ba? Gulat ako tinawagan ako ni Vanna para magpasundo, eh."
Hindi na ako umimik dahil ako rin nagulat na iba ang tinakbuhan niya.
That night, I tried sending V encouraging messages. Hindi na ako umasang mag rereply siya, pero sana nababasa niya 'yung pinag t-text ko.
I also found out through Dawn na nanalo sila. First place. Siguro kung hindi nangyari 'to, sabay kaming nag c-celebrate ngayon.
Ilang beses akong sumilip sa bintana ko na katapat ng bintana ng kwarto ni V. Nakita kong naka-bukas 'yung ilaw ng lamp niya but I can't see any movement. Siguro nakahiga na siya sa kama niya, natutulog? Or probably crying herself to sleep.
I'm so tempted na akyatin ang bahay nila at puntahan si V. I did that once nung elementary kami. Magkaaway kami ni V noon at ayaw niya akong kausapin kaya inakyat ko yung kwarto niya using a broken ladder---na hindi ako aware na sira kaya nahulog ako at nabalian ng buto.
Sumakit ang tenga ko sa sermon ni mommy. Pero nakipag bati naman sa akin si V noon kaya no regrets.
The next day, naisipan kong dalhan ng pagkain si V at yung parents niya ng pagkain since ang dami kong natirang ingredients sa bahay. Pampalamig lang ng ulo para hindi na nila masyadong pagalitan si V.
Dumaan muna ako sa convenience store sa labas ng subdivision namin to buy some snacks for V na isasama ko sa dadalhin ko. I hope this will work to cheer her up. Well, most of the time it works. Ayun naman ang weakness ni, V. Pagkain. Ipag luto ko lang 'yan ng spam, ngumingiti na siya.
Binilhan ko siya nung favorite niya na Cheetos—jalapeno flavor. Pati yung strawberry na Pocky, kitkat, banana milk, at isang can ng San Mig Apple.
Habang nakapila ako para bayaran yung mga snacks, napatingin ako sa labas and my face lit up when I saw V entering the convenience store. She's wearing a plain white shirt, shorts and a cap. Hindi niya ako nakita dahil nakayuko siya nung pumasok at mukhang lutang.
Hindi ko muna siya nilapitan. Tinignan ko kung saan siya pupunta. Nakita kong dumiretso siya sa may fridge. Umalis ako sa pila at nilapitan siya. Nakita kong wala siya sa sarili na kumukuha doon ng San Mig Apple. Tatlong bote. I chuckled a bit.
"Aga aga mag lalasing ka agad?"
Mukhang nagulat ko ata siya dahil muntik na niyang mabitiwan yung mga beer na hawak niya. Nagtama ang tingin namin. Her eyes are wide---and puffy. Halata mong buong gabi umiyak.
"Hi V," I greeted her with a smile.
Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Bigla niyang iniabot sa akin yung tatlong bote ng beer na hawak niya at tumakbo palabas.
What the--?
Ba't ako tinakbuhan?!
Susundan ko sana siya kaya lang bigla akong hinarang ng guard.
"Boss bayad mo na ba 'yan?" tanong nito sa akin.
Hindi ako sumagot at iniabot ko na lang sa kanya lahat ng snacks na hawak ko.
Anong problema nun ni V?
Pasakay na sana ako sa bike ko nang may tumawag sa akin.
"Blue!"
Napalingon ako and I saw Anya walking towards me with a smile on her face.
"Hey. Why are you here?" pambungad ko sa kanya.
"Ba't ka nagmamadali?" tanong nito.
"Hinahabol ko si V. Ang weird nun eh parang iniiwasan ako kagabi pa," sabi ko naman. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
"Pupuntahan sana kita."
"Ako? Why?"
"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko kagabi, eh."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. So she's serious?
"Anya..."
"Blue bakit ang bait mo sa akin these past few months? Dahil gusto mo 'ko? Or dahil may kailangan ka sa akin?"
"Anya, what are you saying?"
"Dahil nanalo na tayo doon sa competition, hindi mo na ako kailangan?"
"Anya bakit---?"
"But you're extra nice to me before," she said and I saw her eyes swells. "Na misunderstood ko ba yung intention mo? O na attract ka rin sa akin? Pero ngayon na realize mo hindi mo naman talaga ako gusto?"
Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Kasi tama siya. Tama ang sinasabi niya.
I felt a stab of guilt in my stomach.
Napayuko si Anya at mabilis na pinunasan ang luha na pabagsak na sa mata niya.
"Kung sabagay. Lahat naman ng napapalapit sa akin, eventually lumalayo."
"Anya please don't say that. Hindi 'yun 'yon. Halika mag usap tayo. Tara sa amin?"
"No need," said a voice behind me at sabay kaming napalingon ni Anya dito. We both see JT approaching us.
Nagulat ako nang lumapit ito kay Anya at umakbay. "Ako na ang kakausap sa kanya, puntahan mo na si Vanna."
"Lumayo ka nga sa akin!" inis na sabi ni Anya rito habang tinatabing niya ang brasong naka-akbay sa kanya. "Kailangan kong kausapin si Blue."
"Hindi. Tayong dalawa ang kailangan mag-usap," mariin na sabi ni JT dito.
"Teka nga! Anong meron sa inyong dalawa? Bakit kayo mag-uusap?" nilingon ko si JT. "Dude, what's happening?"
"None of your business," he answered with a grin. "Now go to Vanna bago ko pa maisipan na agawin siya sa'yo."
And with that, he dragged Anya away from me and I was left there standing for a second, confused.
Pero agad din akong sumakay sa bike ko para puntahan si V.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top