Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Three
ANYA
Pagod na ako.
Ayun ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko habang hinihila ako ni JT palayo kay Blue. Pagod na ako to the point na hinayaan ko na lang siyang hilahin ako. Hindi na ako nag pumiglas. Hindi ko na inalam kung saan niya ako dadalhin. Basta pagod na ako.
At hindi ko alam kung bakit o kung anong dahilan. Hindi ko na maintindihan.
Nang makasakay kami sa kotse ni JT, nilingon niya ako at nginitian.
"Hindi pa tayo nag b-breakfast. Ano gusto mo?" he said. "Dali, ililibre kita." Then he checked his phone, "saan ba masarap kumain?
Hindi ako nag salita. Napatingin lang ako kay JT na nakangiti sa akin. Ang ganda ng ngiti niya, hindi mo iisipin na may problema siya. Oo, alam ko na may problema siya kasi pinuntahan niya ako kagabi. We slept together. At pumupunta lang naman siya sa akin kung gusto niyang makalimot.
I don't mind, really. Kasi gusto ko rin makalimot.
Alam ko pag nalaman ng iba ang set-up namin na 'to maraming manghuhusga, pero sa totoo lang, wala na akong pakielam. Kasi minsan hinahanap ko rin 'yun, eh. Yung mahawakan, yung mayakap, halikan...
I want to feel things dahil unti unti na akong namamanhid. Baka mamaya patay na pala ako, hindi pa ako aware.
And yes, JT was able to make me feel things but not enough to make this shallow feelings go away.
"Uy natutulala ka," sabi ni JT. "Saan mo gustong kumain. Dali, madali mag bago isip ko," he said jokingly.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya, "pagod na 'ko," I breathed.
"Dahil ba sa pag hila ko kanina? Sorry, I walked fast."
Umiling ako while trying to blink back the tears. "Pagod na 'ko, JT," pag uulit ko. "Parang ayoko na."
Sumeryoso ang mukha niya, "Anya, don't say that."
"Wala na akong maramdaman. Wala na akong gustong gawin. Wala na."
"Anya.... is it because of Blue? Do you really like him?"
I blinked at tumulo ang luha sa mata.
"Alam mo, alam ko namang hindi niya ako gusto. Maybe he got attracted? Pero hindi niya ako nagustuhan tulad nung kay Vanna. Pero pag nasanay ka palang mag-isa, nakaka-adik pag nakahanap ka ng taong may pake sa'yo. Nakaka adik malagaan," pinunasan ko yung luha sa mata ko. "Nakaka selfish din," pagpapatuloy ko. "Kaya tinry ko na kuhanin siya kay Vanna kasi gusto ko akin lang siya. Ayoko nang may kahati. Hindi ko naman mahal si Blue, eh. Gusto ko lang yung pinapakita niya sa akin. Grabe 'no ang sama kong tao?"
"Anya... hindi."
"No. Masama akong tao. Muntikan ko na silang sirain," I let out a sarcastic laugh. "Gusto ko lang siguro maramdaman 'yung pakiramdam na pinipili. Ewan. Akala ko si Blue na 'yon. I guess I'm wrong again."
"Hindi naman kasi si Blue ang makakatulong sa'yo, eh," he said, almost whisper.
Nilingon siya.
"Sino? Ikaw?" I asked sarcastically.
Umiling siya, "sarili mo."
Bigla akong natigilan sa sinabi ni JT at napaiwas ako nang tingin sa kanya.
"Anya, lagi kang naghahanap ng pipili sa'yo. Pero pinili mo ba sarili mo?"
I felt a huge lump in my throat because of his question. Hindi ko alam bakit para akong sinaksak doon.
"Do you even love yourself, Anya?"
And with that, tuloy tuloy na bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Pagod na ako," I said as I cry. "Ang hirap mahalin ng sarili ko. Kasi hindi ko alam bakit ako ganito? Ayoko sa sarili ko. Palagi na lang ako nagkakamali. Lagi na lang ako nakakasakit. And I don't know how to be better. I'm lost. I'm so lost, JT. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi kahit ako rin hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin."
Tuloy tuloy kong inilabas 'yung mga salitang paulit ulit na gumugulo sa akin. Sunod sunod. Walang awat. Kasabay ng pag buhos ng mga luha sa mata ko.
"Grabe ang sama ko. Kada kilos ko, kada maling desisyon, mas lalo kong kinakaayawan ang sarili ko. Lahat na lang siguro ng lumalapit sa akin, nasasaktan kaya nilalayuan nila ako. Kasi ganito ako."
"Anya.."
JT pulled me into a tight hug.
"Ang sama ko 'di ba? Masama akong tao? Kaya wala akong karapatan sumaya?"
Bahagya siyang humiwalay sa akin then he wiped my tears away.
"We all make mistakes, but that doesn't make us a bad person, Anya. Don't beat yourself too hard. You deserve to be happy too. But the first step is to love yourself first."
Tumango ako, "gusto ko nang maging okay."
"Then do it."
"Ayoko na i-asa sa iba yung happiness ko."
"That's right."
"Ayoko na sa lalaki," duktong ko.
Sinilip ni JT ang mukha ko at pinanliitan ako ng mata.
"You sure? We had fun last night..."
Hinampas ko siya nang malakas na dahilan naman kaya siya napa-atras at napatawa nang malakas.
"Ganda na ng usapan, gumanyan pa, eh," irita kong sabi.
Lumapit si JT sa akin at ginulo ang buhok ko, "masungit ka talaga 'no?"
Tinabing ko ang kamay niya. "Akala ko ba ililibre mo 'ko?"
He chuckled, "eto na nga."
"Pero JT..."
"Hmm?"
"Ba't hinayaan mo si Blue na puntahan si Vanna? Sinukuan mo na ba?"
Nilingon ko siya and there's a sad smile on his face, "matagal na, bago pa ako umamin. Kailangan lang talaga ng push nung dalawa," he said with a wink.
Napailing na lang ako, "imposibleng hindi ka umasa na may chance ka."
"You're right. Kaya nga masakit."
For a moment, I saw JT's rawest of emotions. Madalas kasi itinatago niya sa ngiti o tawa o kalokohan yung nararamdaman niya. But for a brief moment, he let his real emotions show and I feel for him.
I tap his back.
"Love yourself muna."
Natawa siya sa sinabi ko, "gaya gaya ng advice."
Napangiti na lang din ako at napatingin sa labas ng kotse as JT started the engine.
For the first time in ages, I feel lighter.
Yes, I want to be better.
~*~
VANNA
We won the competition. First place. Pero hindi ako naka akyat sa stage para kuhanin ang trophy. Ni hindi ako nakapunta sa after party ng banda.
Minsan talaga ang delubyo pag dumating, sabay sabay. 'Yung kay Asul, 'yung sa parents ko, hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong iyakan.
Kinausap ako nang masinsinan ng parents ko. Tinanong nila ako kung bakit bumabagsak ako sa mga subjects ko. Hindi ako makapag salita kasi hindi ko alam ang idadahilan ko. At dahil hindi ako umiimik, pinagbawalan muna ako ni daddy mag banda.
Oo, marahil isa 'yun sa dahilan. Pag ba-banda. But I know it's more than that.
It's because I am not happy with my course. Hindi ito 'yung gusto ko. Kinuha ko lang naman 'to nung time na hindi pa ako decided, eh pero dahil gusto ni Asul 'to, doon din ako.
Oo, sinundan ko si Asul. Matagal ko nang alam na hindi ko 'to gusto pero pinush ko pa rin dahil kay Asul.
Dahil nagpaka tanga ako. Pinaikot ko ang mundo ko sa kanya. Sinet aside ko 'yung mga gusto ko dahil sa kanya. Ginawa ko siyang sentro ng buhay ko. And look what happened to me.
Hindi ko na kilala ang sarili ko.
But I can't blame him kasi kasalanan ko naman lahat.
Sa totoo lang hindi ko na alam kung paano haharapin si Asul. Hindi ko sinasagot ang mga tawag at text niya. Tinakbuhan ko pa siya nung nakita ko siya sa convenience store. Pinuntahan ako ni Asul dito sa amin pero sinabi ko sa mommy ko na paalisin siya. Ewan kung ano dinahilan niya. Basta hindi ko siya kayang makita.
Alam kong mag ku-kuwento siya about Anya. Sila na siguro. Nag kiss na sila, eh so malamang.
Ayoko munang marinig. Baka iyakan ko siya bigla sa harapan niya.
At ngayon, hindi na naman ako makatulog kaya tumakas ako sa amin para pumunta sa tapsilogan. Malamang pag nalaman ng parents ko na umalis ako sa amin ng dis-oras ng gabi, katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko. Pero hindi ako makahinga sa kwarto ko. Hindi rin ako makatulog kasi ayaw akong patahimikin ng thoughts ko. Kaya naman lumabas ako para makahinga at makapag isip.
Nung dumating na 'yung order kong sisig, nalungkot ako for a brief second. Ito 'yung unang pagkakataon na pumunta ako dito nang mag-isa. Madalas kasi kasama ko si Asul. Ka-share sa pagkain, kakuwentuhan.
Ang weird nga kasi madalas kami magkasama pero hindi kami nauubusan ng pag-uusapan? We even talk the weirdest of things.
Yet, ang saya ko palagi kahit na minsan wala nang kwenta ang pinaguusapan namin.
Napahinga ako at hinalo 'yung itlog sa sisig, my eyes brimming with tears again. Just the thought of Asul will make me cry.
Grabe mahal na mahal ko pala talaga siya? Pero ramdam ko na rin ang pagod. Akala ko never darating sa puntong 'to, eh. Yung mapapagod ako? Actually, ang tagal ko nang hinihiling na sana mapagod na ako para makapag let go na ako, pero ngayon na dumating na 'yun, ang sakit pala sa pakiramdam na mapagod? Kasi kakambal nun ang kawalan ng pag asa para sa aming dalawa.
Kasalanan ko rin naman. Takot akong mag risk.
"Sabi na nandito ka."
Napa-angat ang tingin ko nang marinig ko ang boses na 'yun at nakita ko si Asul sa harapan ko, nakatayo at nakangiti sa akin.
He took the seat in front of me at tinignan ang kinakain ko.
"Enjoy ka ubusin 'yan?" tanong niya. "Nag i-stress eating ka ba?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Badtrip naman, eh. Ang hirap naman iwasan nang isang 'to. Alam na alam niya kung saan ako hahanapin.
Kumuha siya ng kutsara at naki kain doon sa sisig ko.
"Explain," sabi ni Asul sa akin.
"Ang alin?" I asked, kunyari hindi ako aware sa tinutukoy niya. Umaasa na wag na lang siyang mag tanong.
"Ba't mo ako iniiwasan?"
I scoffed. Kunyari hindi affected sa tanong. Kunyari hindi natataranta kahit na gusto ko na lang mag tago kasi ayokong pag usapan.
"Di kita iniiwasan ah," I told him without looking. Nakapako lang ang tingin ko doon sa sisig. Umaasang maniwala siya sa akin kahit na alam kong nababasa niya ang mga galaw ko.
Pinanliitan niya ako nang mata, "liar."
"Ba't naman kita iiwasan!" I said, slightly raising my voice.
I hate myself. I know I sound so defensive right now.
"Kaya nga tinatanong kita kasi hindi ko rin maintindihan kung bakit mo ako iniiwasan. Dahil ba napagalitan ka? Tingin nina Tita ako ang bad influence?"
I can't help but to roll my eyes, "kung alam mo lang lagi nila sinasabi na tularan kita!"
"Then naiinis ka kasi cino-compare ka ng parents mo sa akin?"
"What? Ako pa maiinis sa ganyan? Asa!"
"Then isa na lang naiisip kong dahilan," he said at biglang nag seryoso ang expression niya kaya mas lalo akong kinabahan.
"It's because of Anya..." he said. "Is it?"
At hindi ko na alam ang isasagot ko.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top