Chapter Twenty One
QUICK RECAP (dahil ang tagal kong hindi nag update):
- Uno confessed to Vanna na he likes her and told her na manliligaw na siya.
- Vanna decided to give Uno a chance na manligaw sa kanya.
- Anya thought na si Blue na ang sagot for her to be happy.
- Blue finally realized na he's still in love with Vanna.
- It is also revealed na yung girl na tinutukoy niya sa prologue ay si Vanna.
- Anya and Uno slept together.
~*~
Chapter Twenty One
"Ako'y gigising na sa panaginip kong ito at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo."
VANNA.
Hindi ako mapakali. Kanina pa ako nakatitig sa phone ko at nag-iintay ng text message from Asul.
Ngayon na 'yung culinary competition na sinalihan nila ni Anya. Same day as yung battle of the bands na sinalihan namin, although mamayang gabi pa ang competition namin, hindi ko na napuntahan pa sina Asul dahil may last minute rehearsal kami.
Ngayon, nasa backstage na ako, nag p-prepare for the competition. Kanina pa patingin tingin sa orasan. I'm sure tapos na yung culinary competition, pero wala pa rin akong balita kay Asul. Natalo kaya sila kaya hindi siya nag m-message? Naka-ilang text na rin ako sa kanya but no reply. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko. Gustong gusto ko nang malaman ang result. Walanghiya. Mas kabado pa ako sa result ng laban nila kaysa dito sa competiton namin, eh.
Huminga ako nang malalim while trying to calm myself down.
"Kabado?" tanong ni Dawn sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Naka ayos na rin siya. She's wearing a black sleeveless crop top, maong shorts, fishnet and boots. Her hair's tied in a neat ponytail on top of her head. Her lips painted in blood red lipstick. Our drummer looks beautiful and badass no one would ever think she's a softie backstage.
"Ba't ka kabado ha? Ha?" she asked playfully. "Baka pumiyok ka mamaya?"
"Gaga hindi," sabi ko. "Hindi pa kasi nag m-message si Asul, eh. Naka abang ako sa result ng competition nila."
Pinanliitan ako ng mata ni Dawn and she pulled a few strands of my hair.
"Aray! Ba't nananabunot?" inis kong sabi at inayos ko ang buhok ko using my fingertips.
"Gaga ka, eh! Sasabak tayo sa laban tapos mas kabado ka pa rin sa bespren mo. Iba talaga pag martyr sa pagibig."
Inirapan ko siya, "tatawanan kita pag naranasan mo na 'to."
Naupo si Dawn sa chair sa tabi ko, "sa status mo, baka mauna pa akong magka jowa sa'yo," she said as she open the bottle of water on her hand and took a sip. "Pero eto seryosong tanong, musta kayo ni JT? Ano nangyari doon sa date niyo? Manliligaw na ba siya? Sasagutin mo ba siya?" sunod sunod niyang tanong.
"Whoa, okay mom," sabi ko as I rolled my eyes at her, then I heaved a sigh. "Sabi niya manliligaw na siya sa akin."
"Oh my god girl!" Dawn said excitedly. "Go na 'yan! Wag nang pakawalan!"
"Pero sasabihin ko sa kanya na wag na ituloy," dugtong ko.
Nakita ko ang pagkawala ng ngiti ni Dawn dahil sa sinabi ko. Tinignan niya ako na parang gusto niya akong saktan.
"Alam mo ang bobo mo talagang bruha ka? Nakakainis ka!" yamot na sabi niya. "Seryoso kang papakawalan mo si pogi?"
Tumango ako kay Dawn and I gave her a sad smile, "si Asul talaga ang gusto ko, eh."
Napa facepalm na lang siya, "gusto ka ba nun?"
"Hindi," malungkot kong sagot. "Pero okay lang. Ayoko nang pigilan, Dawn. Useless naman, eh kasi ilang beses ko nang sinubukan? Basta mamahalin ko na lang siya nang malaya hanggang sa matauhan na ako at kusang bumitaw."
Napabuntong hininga si Dawn at inakbayan ako, "well sa totoo lang, kahit ano naman sabihin ng ibang tao, ikaw at ikaw pa rin talaga ang makakatulong sa sarili mo. Okay rin naman 'yang plano mo kasi tingin ko rin wala kang pag-asa na makalimutan ang best friend mo. Kaya sige na, support na kita sa pagpapakatanga mo hanggang sa matauhan ka."
Napangiti na lang ako sa pagiging supportive ni Dawn. At least alam ko na pag natauhan na ako kay Asul, may matatakbuhan ako para iyakan.
Nung isang araw, nung kumain kami sa tapsilogan ng hating gabi, na-realize ko lahat ng mga bagay na 'to. I love Asul so much. Nandoon 'yung possibility na baka once in his life, nagustuhan niya rin ako but didn't dare to confess dahil palagi kong sinasabi sa kanya 'yung rule na sinet ko sa sarili ko na not to fall in love with your friends para hindi masira ang friendship. Ngayon, pinagsisisihan ko na. Siguro nga 'no kung naging malakas lang ang loob ko na mag take ng risk baka hindi na ako nahihirapan ngayon.
Naalala ko 'yung tanong ni Asul sa akin. Yung bakit sa kanya lang applicable yung rule ko na 'yon.
It's because among others, he's the person I don't ever want to lose.
Muli akong napahinga nang malalim. Ramdam na ramdam ko kasi kung gaano ko siyang ka-mahal it makes me hard to breathe.
Suddenly, my phone beep at dali dali kong tinignan ito. I saw a text message from Asul.
Finally!
With a shaking hand, I open his message.
'V! We won! First place!
Pupunta na ako diyan sa battle of the bands!
Break a leg!'
"Oh my god!!" sabi ko at napatayo ako.
"Ano result?" tarantang sabi ni Dawn.
"Nanalo sila! First place!" masaya kong sabi.
"Amazing! Lucky charm talaga ni Blue si Anya!"
Nawala ang ngiti sa labi ko at tinignan ko nang masama si Dawn. Nag peace sign naman siya.
"Joke lang. Ayan nga o, pupuntahan ka niya. Iba talaga pag pinipili."
Pinanliitan ko siya ng mata. Bwisit talaga hindi ko alam kung ni-re-realtalk ako o pinapaasa. At ang gaga tinawanan lang ako.
Ibinalik ko ang tingin ko sa message ni Asul at napangiti.
Nanalo rin siya sa wakas. Iba talaga pag magaling 'yung kasama.
Sayang hindi ko naibigay sa kanya dati yun.
~*~
ASUL: 'Galingan mo panget, wag ka pipiyok'
UNO: 'Sorry talaga I can't come. Natapat ng family reunion. Pero good luck, Vanna!'
I smiled a bit as I read both Asul and JT's message. Naka standby na kami sa backstage dahil kami na ang susunod na tutugtog. Ngayon ko na nararamdaman ang kaba. I felt a huge lump on my throat which scares the hell out of me. Paano kung hindi ako makakanta? Paano kung walang lumabas na boses sa akin?
Paano kung matalo kami dahil sa kapalpakan ko?
"Masusuka ako," sabi ko at pare-pareho silang napatingin sa akin.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Eunice sa akin, yung leader namin, as she puts her arms around my shoulder.
"Kinakabahan ako," sabi ko at napalunok ako.
"Bakla ka uminom ka muna ng tubig," sabi naman ni Dawn at inabutan niya ako ng isang bote ng mineral water.
I gulp down the water but that's not enough to calm me down. Kanina sobrang chill ko na, tapos ngayon bigla akong kakabahan? What's wrong with me!
Naramdaman kong nag v-vibrate 'yung phone ko. Tinignan ko ito and I saw Asul calling. I immediately answer his call.
"Kinakabahan ka 'no?" pambungad niya na tanong sa akin.
"Hindi," I choked. He laughed.
"Hindi eh bakit parang iiyak ka na? Kabado ka, eh. Uwi ka na," and then he laughed again.
Nainis ako bigla, "talagang tumawag ka para mang asar ha? Porket nanalo na kayo, tatawanan mo 'ko! Humanda ka talaga sa akin after nito gugulpihin talaga kita!"
Natahimik ako. Parang biglang nawala yung suffocating nerves na nararamdaman ko kanina. I feel lighter.
"Better?" I heard him say from the other side of the line. And judging by his tone, I know well enough that he's smiling.
Napangiti rin ako, "nakahinga na 'ko."
"Kaya mo 'yan. Galing galing mo, eh. Tsaka isipin mo na lang, kailangan mong manalo. Dahil pag hindi, aasarin kita hanggang sa umiyak ka. Ang panget mo pa namang umiyak."
"Ewan ko sa'yo!" napangiti ako then nakita kong sinesenyasan na ako nina Dawn na patapos na yung isang banda. "Sige na! Aakyat na kami!"
"V?"
"Yes?"
"Good luck."
Muli akong napangiti before I ended the call.
And just like that, Blue manages to calm me down.
~*~
"Magandang gabi po sa inyong lahat! Kami po ang bandang Makata," pakilala ni Eunice sa amin.
Napatingin ako sa paligid. Ang daming tao dito sa venue. Ang daming makakarinig sa musika namin.
I tried to look for Asul pero hindi ko siya makita. Saan ba pwesto ang isang 'yon?
"The song that we're going to perform is called 'Bes, I Ever Had.'"
We started playing the intro, at sakto, doon ko nakita si Asul.
Nasa may right side siya ng stage, third row. He's wearing a gray hoodie and a black cap and a wide smile while looking at me. I smiled back.
Pero hindi ko agad napansin na may kasama pala siya.
Sa tabi niya, nandoon si Anya.
I immediately felt a stab of pain in my chest as I started singing
"Namumugto ang iyong mata
'Di alam ang gagawin
Kung pwede lang naman sana
Ako na lang ang mahalin
Hanggang dito lang tayo"
Nakita kong hinawakan ni Anya ang braso ni Asul at idinantay niya ang ulo niya sa balikat nito. They look like a couple already. Sila na ba? Umamin na ba si Asul sa kanya nung nanalo sila kanina? Kaya ba hindi siya nagpaparamdam sa akin kanina?
Parang dumoble 'yung sakit na nararamdaman ko.
"Binubulong sa hangin
Ang pag-ibig ko sa'yo
Baka sakaling sumagot
Para malinaw ang totoo
Hanggang dito lang tayo...."
Sinubukan kong i-iwas ang tingin sa kanila to concentrate on our performance pero hindi ko magawa. My eyes kept coming back at them. And the more I look at them, the more my heart is shattering into pieces.
"Pero 'di ko maiwasan
Mapatid sa katotohanang
'Di naman magiging tayo
At hindi rin kakayanin
Damdamin 'di pansinin
Pero 'di mo alam ang aking kwento....
Basta't ang alam ko lang,
Ay sobrang daling mahulog sa'yo..."
Sabi ko kanina mamahalin ko si Asul ng malaya hanggang sa magising na ako sa katotohanan. But I didn't expect I'll get a wake-up call this soon. At ang tinding wake-up call nito. Napaka lakas.
It all happens in front of me.
Nakita kong inalis ni Asul ang tingin niya sa akin para lingunin si Anya. Then Anya tiptoed and gave Asul a kiss on the lips.
My whole world shattered into pieces.
Right then and there, parang nahulog 'yung puso ko at inapak-apakan.
I close my eyes to hold back my tears and just continue to play and sing. Pero kahit nakapikit ako, nakikita ko pa rin 'yung kiss nila sa utak ko.
Ang sakit.
"Hanggang dito lang tayo..."
To be continued...
AUTHOR'S NOTE
Sorrryyyyyy natagalan ang update. This past month has been a busy month for me. Pero babawi na ako. Also, I think less than 10 chapters na lang tapos na 'to. Baka mga around 4-6 chapters na nga lang ata, eh. We'll see.
I'll do my best to update as regularly as I can. Thank you for being patient.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top