Chapter Twenty
Chapter Twenty
"Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito, wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo."
VANNA
Hindi ako makatulog.
Kanina pa ako nakatingin sa kisame ng kwarto ko at iniisip yung sinabi ni Asul sa akin kanina.
"So hindi pala applicable sa kanya yung rule mo na you don't date your friends. O sa akin lang applicable yun?"
After niyang sabihin 'yon at nung makabalik kami sa table, normal lang ang pakikitungo niya sa akin. Nakikipag tawanan siya at biruan. Inaasar pa niya ako at si Uno.
Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yun.
Anong ibig niyang sabihin doon? May bigat ba yung mga salitang yun o nag o-overthink lang ako?
May possibility ba na may gusto si Asul sa akin? Na willing siyang mag risk but he didn't dahil palagi kong sinasabi sa kanya na I don't want to date my friends?
Kaya ba hindi siya nag risk dahil sa akin?
Napatakip ako ng mukha.
Wow, napunta na agad ang imagination ko doon. Napakalabo naman na mangyari nun. Si Asul? May gusto sa akin? That's impossible. Best friend niya ako at alam ko ang thoughts niya sa akin. I'm pretty sure hindi nga nun iniisip na maganda ako.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sama nang loob.
Samantalang si Anya ilang beses niya nang sinabihan ng maganda.
Napabangon ako at napa padyak.
I hate myself. I hate my thoughts and I hate how I feel so hungry at this hour!
Napatingin ako sa orasan. It's 10 minutes before midnight. Dahil sa hindi naman ako makatulog, might as well kumain na lang din ako.
Bumaba ako sa kitchen at binuksan ko yung ref namin. Marami naman laman pero wala akong gusto.
Binuksan ko yung kitchen cabinet para tumingin ng kung anong stocks ng instant meron kami. May pancit canton, may ramen, may corned beef. Tinatamad ako mag luto.
Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko.
Gusto ko ng tapsilog. Nabanggit ko kanina yun kay Uno, eh. Sana pala pinush ko na siya na doon na kami sa tapsilogan kumain kesa doon sa mamahaling restaurant na pinagdalhan niya sa akin. Although I appreciate his efforts so much, hindi talaga ako nabusog doon sa pa pasta at salad.
Napaupo ako sa may bar counter. Naalala ko may ilang hating gabi na rin na tinamaan ako ng gutom. Tapos lagi kong minemessage si Asul pag ganun. Sinasamahan niya ako doon sa mcdo or pumupunta kami sa tapislogan sa garahe diyan sa may kanto tutal 24 hours open naman yun. Minsan mga trip namin sa buhay kakaiba. Yung tipong kami lang makakasakay.
Paano kung mag tuloy tuloy 'to? Paano kung iba na yung sinasamahan namin?
That mere thought paralyzes me. All my life kasama ko si Asul sa lahat ng bagay. Yung thought pa lang na magbabago na ang lahat made my heart aches in pain.
Pero hindi naman talaga habang buhay ganito.
Bumalik ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Siguro naman kaya kong pumunta sa tapsilogan ng ganitong oras nang hindi kasama si Asul 'di ba? Siguro naman kaya kong kumain mag isa nang wala siya.
Tama.
Dapat masanay na ako.
Lumabas ako ng gate namin and I was about to book a Grab nang biglang bumukas ang gate ng bahay nina Asul.
Nakita ko si Asul palabas. Naka t-shirt na stripes lang siyam itim na maong shorts at tsinelas. Medyo magulo pa ang buhok. Halatang di na nag suklay pagka bangon. Hihikab hikab siya at mukhang lutang kaya hindi niya napansin na nasa tapat ako.
Until our eyes met.
Kita ko ang gulat sa mata niya nang makita niya ako sa labas ng ganitong oras. And then suddenly, bigla siyang napangiti as he walks towards me.
"Ba't ka nasa labas?" naka ngisi niyang tanong na parang nangaasar. Siguro dahil alam na niya ang sagot doon.
"Ikaw ba't ka nasa labas?" tanong ko sa kanya without answering his question.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya, "mukhang iisa lang naman tayo ng pupuntahan."
"Bakit saan ka ba pupunta?" tanong ko.
He chuckled at bigla niya ako inakbayan, "halika na, sumakay ka na sa kotse. Punta tayo tapsilogan."
I hate how he knows me so well.
~*~
"Let's eat!" masaya na sabi ni Asul nung dumating yung order namin. Dalawang tapsilog in a sizzling plate tapos isang pork sisig. Ito yung usual naming ino-order pag nandito kami. Tig isang tapsilog at hati sa sisig.
Wala masyadong tao dito sa tapsilogan sa garahe na madalas namin puntahan. Dalawang table lang ang occupied. Ito at yung nasa kabila. Kaya masarap kumain ng ganitong oras dito, tahimik.
"Ang sarap," sabi ko habang hinahalo ni Asul yung kalamansi at sili doon sa sisig.
Napatawa naman siya, "hindi ka nabusog kanina 'no?"
Tumango ako habang naglalagay ng sisig sa plato, "nung nasa restaurant tayo, tapsilog yung nasa isip ko."
"Ako rin," natatawa tawa naman niyang sabi. "Ikaw kasi sukat binanggit mo pa kanina."
"Nag crave kasi ako!" sabi ko at sumubo ng pagkain. Napapikit na lang ako sa sarap. For some reason, may mga pagkakataon talaga na mas na-appreciate ko ang mga pagkain na ganito.
"Kailangan mo na sanayin kumain sa ganito si JT," sabi naman ni Asul. "Favorite mo pa naman 'to."
Napatingin ako sa kanya. He's not looking at me. Nakapako ang tingin niya sa plato niya.
"Si Anya hindi naman pihikan 'no?" pag iiba ko ng usapan.
Asul just shrugged. For some reason, parang bigla kong naramdaman na bumabalik na naman yung awkward vibe naming dalawa kaya iniba ko ulit ang usapan.
"Naalala mo dati yung kumain tayo ng kwek kwek doon sa may playground?" tanong ko. "Yung the next day pareho tayo nag diarrhea?"
Napangiti si Asul, "nung elementary tayo? Oo galit na galit si mama at papa sa akin nun. Alam mo na, parehong doktor."
"Pero pasaway tayo after natin gumaling kumain pa ulit tayo."
Asul chuckled, "ikaw promotor. Bad influence ka kasi sa akin eversince."
"Gagu ako pa bad influence? Ang bait bait ko nung bata ako ha! Tigilan mo ko!"
Nginitian ako ni Asul na may halong pang aasar, "sa ating dalawa, mas marami kang record sa guidance kumpara sa akin."
Tinignan ko siya nang masama.
"Naalala mo yung sinapak mo yung isa natin kaklase?" natatawa tawa niyang tanong. "Dumugo ilong?"
"Eh gago yung hayop na yun eh!" defense ko naman sa sarili ko. "Sukat biniro ako na may tagos ako kahit wala naman."
Bigla na lang napatawa si Asul, "you and your bad temper."
He reached out for me at bigla niyang ginulo ang buhok ko. Tinabing ko naman yung braso niya.
"Oy ano ba! Ba't ka nang gugulo ng buhok!!"
"Wala naman pinagkaiba. Magulo naman talaga."
Pinandilatan ko siya ng mata. "Hindi magulo 'yan kanina! Epal ka talaga kahit kelan!" sabi ko while combing my hair using my fingers.
Nakita kong napangiti si Asul and he pat my head again, but this time, it's gentler.
"Kahit hindi mo naman ayusin, maganda ka pa rin."
Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya. Tama ba ako ng dinig? Sinabihan niya ba ako ng maganda?
Parang ngayon ko lang narinig sa kanya yun, ha? May nakain ba siyang masama?
"Ha?" tanong ko.
"Ha? Hakdog," pang asar niya.
"Ulitin mo yung sinabi mo."
"Alin doon? Ang dami kong sinabi," tanong niya while pretending na hindi niya alam ibig kong sabihin. Bigwasan ko 'to eh!
"Yung huli!"
"Ah, yung wag ka na mag ayos?"
"Oo! Yung sunod diyan!"
"Wag ka na mag ayos kasi kahit anong gawin mo panget ka pa rin?"
Sinapak ko yung braso niya, "hindi yan yung sinabi mo kanina!"
Tumawa nang malakas si Asul. "Tapos ka na kumain?" tanong niya.
Inirapan ko siya. I heard him chuckled.
"Tara tambay muna tayo sa rooftop. Pababa tayo ng kinain," yaya ni Asul.
Sinimangutan ko lang siya at tumayo ako at nanuna mag lakad paakyat sa rooftop. Naramdaman ko namang humabol si Asul sa akin at bigla niya akong inakbayan.
"Ang ganda mo," he whispered.
And my heart almost stopped. Napalingon ako sa kanya. Wrong move kasi ang lapit ng mukha niya sa akin and he's also looking at me. There's a genuine smile on his face and the way he stares at me almost took my breath away.
"Grabe," he said, almost whisper. "Ang swerte naman ni JT."
~*~
BLUE
Para akong nasa dulo ng bangin.
Ganoon ang pakiramdam ko habang magkausap kami ni V dito sa rooftop ng tapsilogan kung saan kami madalas tumambay.
It's past 1AM. Medyo malamig ang hangin. Pareho kaming nakadungaw sa veranda habang tinitignan yung city lights.
Masayang nag kukwento si V about sa preparation nila sa battle of the bands. Sumakto same day yun ng cooking contest namin. Sabi ko sa kanya hahabol ako para makapanuod. She wished me luck too doon sa cooking contest.
May kinukuwento siya about sa nakakatawang nangyari sa practice nila. Ako naman, nakatitig sa kanya habang nakikinig. Bahagyang hinahangin ang buhok niya. Nakakakalma naman sa pandinig yung tawa niya.
Tapos yung ngiti niya....
Ang ganda ng ngiti niya.
Eversince, I always think I am the luckiest guy alive to be able to see her bare face wearing that beautiful smile while laughing at 1 in the morning. Vanna at her natural state. Siyang siya. Totoong totoo.
Pero kada naiisip ko na any minute pwede 'tong mawala sa akin, parang nadudurog yung puso ko.
"Asul ba't ka ba single hanggang ngayon?" V ask out of nowhere.
Biglang nabaling ang atensyon ko sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung tanong na 'yon dahil busy akong titigan siya, hindi ko na siya nagawang pakinggan.
Nag kibit balikat ako sa sinasabi niya, "ang hilig ko kasi gustuhin yung mga hindi pwede," pag bibiro.
"Luh, hindi ba siya pwede?" tanong naman ni V. Alam kong magkaiba kami ng taong iniisip.
"Oo, eh. Siya na nag sabi mismo sa akin. Tsaka, ayaw niya rin ako."
Nakita ko ang gulat sa mata niya, "shit, binasted ka niya."
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
Oo, bago ko pa makuhang umamin at manligaw, binasted na niya agad ako.
Napatingin siya mula sa malayo. Parang biglang ang lalim ng iniisip niya. Kahit gaano ko siya kakilala, may mga pagkakataon pa rin na hinihiling ko na sana nababasa ko ang tumatakbo sa isip niya.
"Pero mahal mo pa?" halos pabulong niyang tanong. There's a hint of sadness in her voice. Siguro naawa sa akin kasi sawi na naman ako?
Sawi na naman ako in a sense na parang kahit anong gawin ko, bumabalik at bumabalik ako sa ganitong sitwasyon. Kahit anong pilit ko, alam ko naman ang totoong nararamdaman ko.
I am not in love with Anya.
I am still in love with V. At mukhang kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, kahit sinong makilala ko, hinding hindi na nito mababago yung nararamdaman ko.
Sa totoo lang, pagod na ko mag tago.
"Mahal ko siya," I told her with a sad smile. "Kahit masakit, parang hindi ko kayang tumigil na mahalin siya. Nakakatawa 'no? Hindi ko inexpect na aabot ako sa ganito."
"Pero kung bibigyan ka ng chance bumalik sa past? Pipiliin mo ba na makilala ulit siya? Kahit na alam mong masasaktan ka?"
Natigilan ako sa tanong ni V. Hindi dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko kundi narealize ko kung gaano talaga ako katanga.
"Babatukan mo ako sa sagot ko," sabi ko sa kanya.
"Bakit ano bang sagot mo?"
"Kung makakabalik ako sa past, pipiliin ko pa rin na makilala siya at mahalin siya kahit masakit."
"Bakit?"
I shrugged, "ewan? Dahil tanga ako?"
"Dahil mahal mo kaya ganun. Kahit masakit okay lang."
Napangiti ako at inakbayan ko siya. An excuse to be this close to her kasi sa totoo lang gusto ko siyang yakapin nang mahigpit.
Nasa dulo na ako ng bangin. Ilang beses akong nalagay sa sitwasyon na 'to. Yung gusto ko nang umamin? Kaso kada gagawin ko, laging pinapaalala ni V sa akin kung ano kami, kung ano ang estado namin.
Kaibigan. Bawal sirain. Bawal mag bago.
Hindi ko pinagsisihan na nakilala ko siya. Pero minsan nag sisisi akong naging best friend ko siya.
"Kaya kita best friend eh kasi gets mo 'ko," sabi ko sa kanya kahit halos nadudurog na ko.
"Ganon din kasi ang gagawin ko kung sakaling ako ang nasa sitwasyon mo," sagot naman niya sa akin.
Napabuntong hininga ako, "hay, pagdarasal ko na lang na sana kung sino ang mamahalin, mo, mahal ka rin para hindi mo maranasan 'to."
Dahil masakit. Sobra, V.
Pagod na akong itago 'to.
~*~
ANYA
Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko.
Pakiramdam ko I'm doing everything out of impulse. I feel like there's this big empty whole in my heart at kailangan kong tapalan yun nang kahit ano, kahit sino dahil kung hindi, lalaki at lalaki 'to until it consumes me.
Napatingin ako sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko. His arms draped around my waist. We're both naked.
Nag usap lang kami. Onting inuman. But we both ended up in bed.
Malungkot ka rin ba tulad ko?
Nakita kong bumukas ang mata niya.
JT, Uno, ewan kung ano ang itatawag ko sa kanya. Pero siya yung kaibigan nina Blue.
"Can't sleep?" he asked with his bedroom voice.
Hindi ako sumagot sa tanong niya, instead, I ask a question in return.
"Mahal mo ba si Vanna?"
Hindi siya umimik. Naramdaman kong bumangon siya at naupo sa tabi ko.
"Hmm.. nakokonsensya ka ba sa ginawa natin?" he asked.
Nilingon ko siya at nakangiti siya sa akin.
"Wala ba tayong planong sagutin ang tanong nang isa't isa?"
"Then answer this first---do you like Blue?"
"Kailangan ko siya," mabilis kong sagot.
"Iba ang mahal sa kailangan," sabi naman niya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, "umalis ka na kaya?" sabi ko sabay talikod sa kanya at talukbong ng kumot.
Naramdaman kong pumaibabaw sa akin si JT o Uno o epal—at inalis niya ang pagkakatalukbong ng kumot sa mukha ko.
"I love Vanna," he said at dama ko ang sakit na nararamdaman niya nang bitiwan niya ang mga salitang 'yon.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Kasi...like you, I'm in pain too."
He closed the gap between us unti I can feel his lips on mine.
Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko.
Pero siguro kaya hinayaan kong mangyari 'to kasi alam ko, pareho kaming sira. Pareho kaming naliligaw.
Kahit alam kong mali. It make me feel less alone.
To be continued...
A/N
Ang kyot na ang daming frustrated kay Vanna at Blue pero in reality, di rin naman talaga natin kaya mag take ng risk. Bwahahahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top