Chapter Twelve
Chapter Twelve
VANNA
Junior High School. Naalala ko nung time na may tumamang super typhoon sa lugar namin. Gabi. Sobrang lakas ng ulan at hangin. May kasama pang kulog at kidlat.
Naalala ko nun mag isa lang ako sa bahay. Nasa business trip sa Singapore si mommy at daddy nun. Naka day-off naman yung kasambahay namin.
Then biglang nag brown out.
May phobia ako sa madidilim na lugar. Hindi ako makatulog ng hindi nakasindi ang lamp sa bedside ko.
1AM nung nag brown out. Sobrang dilim. Ang lakas ng ulan sa labas at hinahampas ng hangin ang bintana ng kwarto ko. Hindi ko makapa yung cellphone ko. Nawala sa isip ko kung saan ko naipatong. Nag p-panic na ako nun. Sa sobrang panic ko ang hirap nang huminga. Halos hindi ako makagalaw sa kama ko at wala na lang akong ibang nagawa nun kung hindi ang umiyak.
Hanggang sa nakarinig ako ng kalampag ng pinto sa may sala namin. Maya maya lang ay may nagbukas ng pinto ng kwarto ko. The first thing I saw is a blinding light. Then naaninag ko ang mukha ni Blue.
"V," he said, exasperated.
Lumapit siya sa akin at doon ko napansin na basang basa siya. There's a worried look on his face.
Napahagulgol na lang ako.
He scooped me in his arms at niyakap niya ako nang mahigpit.
"It's okay. I'm here," he whispered while gently tapping the back of my head.
That whole night, Blue stayed with me.
Alam ni Asul ang phobia ko sa dark places kaya nung nag brown out, ang first instinct daw niya ay kumuha ng flashlight at tumakbo papunta sa bahay namin. Buti na lang alam niya kung saan nakatago yung spare key ng bahay. Ni hindi na nga raw siya nakakuha ng payong nun dahil sa pag mamadali kaya basang basa siya nung makarating sa amin.
Nung medyo ma kalma ako, I lend him a towel and daddy's shirt and short.
Naalala ko, we stayed up all night. Nasa sala lang kami, nag kukuwentuhan nang kung anu ano while drinking a cup of hot chocolate.
It was nice. The weather was cold yet that night, I feel warm. Hindi na rin ako natatakot na tanging yung kandila lang sa lamesa ang liwanag na nakikita ko nung gabing yun. For some reason, whenever I'm with Blue, I feel a little bit braver.
That's one of those nights I don't want to end.
Naalala ko yung isang conversation namin during that time.
Halos 4AM na nun. Tinatamaan na rin ako nang antok. Nakahiga na ako sa sofa nun at parang any minute makakatulog na ako. Nasa sahig pa rin si Asul, naka indian seat habang inuubos yung snack na inilabas namin.
"V?" I heard him called.
Bahagya ko iminulat ang mata ko, "hmm?"
"Are you sleeping?"
"Yes," I answered.
Nilingon niya ako and I saw him smile at me. I smiled in return.
"Gising ka pa, eh," sabi niya habang hinahawi niya ang buhok na tumatakip sa mukha ko.
"V..." he called again. "Naisip mo ba.... tayo?"
Parang biglang nawala ang antok ko dahil sa tanong niya. For a second, feeling ko bumabalik ang panic attacks ko.
May nararamdaman akong pagbabago kay Blue sa pakikitungo niya sa akin, pero nung time na 'yon, pilit kong itinatanggi. Hindi pwede. Bawal.
Minsan ko na rin naramdaman 'to para sa akin pero ibinabaon ko palagi sa hukay. Ayokong i-entertain.
Naalala ko si Diane, yung kaklase namin. Naging boyfriend niya yung bestfriend niya. Then nag break silang dalawa after a few months. Sabi ni Diane, nawalan na siya ng boyfriend, nawalan pa siya ng bestfriend.
Hindi ko maimagine ang buhay ko na wala si Blue.
Kaya hindi pa man ipinapaliwanag sa akin ni Blue ang question niya---na kung anong 'tayo' ba ang tinutukoy niya, pinangunahan ko na siya agad.
"Nga pala," sabi ko without answering his question. Bahagya akong bumangon at umayo nang upo. "Feeling ko sasagutin ko na si Howard."
Katahimikan. Gusto kong sapakin ang sarili ko nung panahon na 'yon kasi sa totoo lang, wala naman talaga akong planong sagutin si Howard. Pero hindi ko rin magawang bawiin kasi natatakot ako sa sasabihin ni Blue.
Hindi agad umimik si Blue. Hindi ko rin maaninag ang expression niya dahil nakatalikod siya sa akin.
"I see," he said after a few moments. "Do you like him?"
I bit my lip because I was about to tell him a lie.
"Oo," I answered.
Nilingon niya ako and I saw him smiling. He patted my head, "basta aalagaan ka niya."
My heart sinks at hindi ko alam kung bakit. This is the reaction I was hoping. Pero bakit ang lungkot.
"Matulog ka na. Malapit na mag umaga. Medyo tumila na rin yung ulan. For sure malapit na rin magka kuryente," sabi niya sa akin.
Nahiga ulit ako sa sofa and he covered me with blanket.
"Uuwi ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya, "dito lang ako hanggang sa makatulog ka."
I smiled a little then I closed my eyes.
Pagkagising ko, umaga na, tumila na ang ulan at may kuryente na. Pero umalis na si Blue.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng tanong niya. Lagi kong kinokontra kada naiisip kong, baka naman kahit isang beses nagkagusto siya sa akin.
No. I don't want to think that. Delikado.
Okay nang isipin ko na ako na lang ang nagkagusto. Na not even once he saw me as a woman.
Okay na ako doon. Mas kaya kong i-handle ang one sided love kesa sa possibility na pareho kaming duwag.
After all, we both can't imagine life without each other.
"V! Ayos ba yung ramen?"
I snapped back to reality nang marinig kong tawagin niya ako.
Kumakain kami ngayong tatlo nina Blue at Anya sa isang Japanese restaurant. Form of research na rin daw nila ito para sa competiton nila.
Kahit purgang purga na ako sa ramen, ito na lang ang inorder ko dahil hindi ako masyadong mahilig sa mga Japanese food.
"Masarap," sabi ko.
Kanina pa silang dalawa nag uusap about sa lulutuin nila para sa competition. Sobrang nagkaka sundo talaga sila to the point na hindi na ako maka relate.
Blue's eyes lit up sa evey topic na i-o-open ni Anya. Puro about culinary, pagluluto, iba't ibang pagkain.
Mga bagay na mahal na mahal ni Blue.
Mga bagay na wala akong masyadong alam at interes.
"We should make the noodles from scratch," sabi ni Blue kay Anya. "Kung instant, baka hindi natin ma achieve yung ganitong al dente na texture."
"Actually. Pwede natin i-try this weekend. Kahit papaano naman na perfect ko yung pag gawa ng pasta sa basic culinary nung first year."
"Same!" sabi ni Blue sabay taas ng kamay to give Anya a high five. "I'm lucky to have a partner like you."
Natawa naman si Anya, "o 'di ba? May silbi ako sa kusina. Ikaw lang minaliit mo 'ko agad eh."
Nagtawanan silang dalawa. Ngumiti ako at yumuko. Ipinako ko ang tingin ko sa ramen na kinakain ko.
Ngayon ko lang nakita si Blue na sobrang excited sa isang competition. Siguro dahil nakakatulong talaga si Anya sa kanya. Ako kasi, sunod lang sa kung sabihin ni Blue dahil wala naman ako halos alam. Pero ngayon may nakakatulong si Blue sa pag iisip, sa pag pa-plano.
Nakaka-inggit naman.
"Sama ka rin sa amin V," sabi ni Blue. "Ikaw ang food taster namin."
"This weekend?" tanong ko. "Sorry. Band practice."
"Edi dadalhan ka na lang namin ng ramen!" suggestion ni Asul.
"Hindi kaya mapurga na si Vanna kakakain ng ramen?" natatawa tawang tanong naman ni Anya.
"Oo nga. Kaya niyo na 'yan dalawa," hindi naman importante ang opinyon ko.
"Sige na nga. Pero kain tayo ng ice cream ngayon? May Baskin' Robbins dito," pagyayaya ni Asul.
My mood suddenly lit up nung narinig ko yun, "game!" mabilis kong sagot.
"Pass," sabi naman ni Anya.
Napatingin si Blue kay Anya. Napatingin ako kay Blue. Kita ko ang disappointment sa mukha niya even though he's trying so hard to conceal it.
"Bakit? Saglit lang 'to. Mabilis lang tayo kakain."
Napatingin si Anya sa wrist watch niya. "Sorry kailangan ko na pala umalis. Magkikita kasi kami ng boyfriend ko."
Pareho kaming natigilan ni Blue sa word na 'boyfriend.' Before I could even stop myself, I blurted out, "may boyfriend ka na pala?"
Tumango si Anya while checking something on her phone, "oo. Kami na eversince highschool. Anyway, sorry una na ako. Need ko na siyang puntahan."
Tumayo si Anya. Napatayo rin si Blue, "ihatid kita sa sakayan?"
"Naku wag na. Diyan ka na lang. Alis na ako, bye!" at dali daling umalis si Anya leaving me and Blue alone.
Silence.
Then naramdaman kong napa buntong hininga si Blue.
"At least I know she's the legal girlfriend."
"Huh?" tanong ko.
Umiling si Blue, "wala."
"May boyfriend na pala siya," sabi ko. "And matagal na sila."
Tumango rin si Blue, "yeah. But I think he's not treating her right."
Pinanliitan ko naman siya ng mata, "paano mo naman nasabi? Ikaw judger ka."
Napatawa na lang si Asul habang umiiling.
"Ano na plano mo?" tanong ko sa kanya.
"Saan?"
"Kay Anya? 'Di ba you're planning to court her?"
Muling napa buntong hininga si Asul.
"Grabe ang unfair ng buhay sa akin, ba't ganon? Lahat ng mga nagugustuhan ko puro hindi pwede."
Bigla akong napaisip sa sinabi sa akin ni Asul, "paanong lahat? Eh yung mga niligawan mo naman before, sinagot ka. Si Anya ang first---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla bigla niya akong pinitik sa noo.
"Ang sakit ha! Para saan 'yon?!" yamot kong tanong habang hinihimas ko ang nook o.
Napatawa si Asul, "paunahan sa Barkin Robbins. Ang mahuli siya ang manlilibre!"
At kumaripas ng takbo paalis ang gago. Napaka daya kasi hindi pa kami bill out so naiwan ako doon to settle the bill. Bwisit talaga!!
Nang maabutan ko siya sa Baskin Robbins, naka order na siya ng ice cream namin. Parehong mint choco or toothpaste flavor kung tawagin namin. Our favorite.
Buti na lang nilibre niya ako. At binayaran niya rin ako doon sa kinain namin sa Japanese restaurant.
We joked and we laughed while telling silly stories. I'm lowkey observing him. He seems fine. O baka tinatago lang niya.
Baka idinadaan lang sa tawa yung sakit.
Hindi ko alam. Nahihirapan akong basahin siya ngayon.
Pero sana okay lang siya.
Nung gabing 'yon, I went home to an empty house. Wala na naman ang parents ko. Minsan hindi ko alam kung kailan sila uuwi. Minsan kung uuwi man sila, ilang araw lang tapos aalis ulit.
Minsan nakakalungkot.
I opened our refrigerator at dahil tinatamad akong mag luto ng maayos na ulam, naisipan ko na lang mag prito ng spam.
As I was about to pull out the spam from our fridge, bigla bigla na lang nawalan ng kuryente kaya napaupo ako sa sahig. It was pitch black.
Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko.
Shit shit shit.
I can feel my panic attack building up my throat.
Kinapa ko ang phone ko mula sa bulsa ko ng shorts ko. Nanginginig nginig akong tinawagan si Blue.
I heard his phone ring.
Please pick up.
It keeps on ringing.
Blue.. please...
He won't answer.
Blue... I'm scared....
~*~
BLUE
Alak? Check. Chips? Check. Sanitary napkin...?
Napa kamot na lang ako sa ulo ng tignan ko ang rack ng sanitary napkin dito sa convenience store. Ang daming brand. Hindi naman ini-specify ni ate kung anong klase ang dapat kong bilhin! Hindi ko naman siya matawagan kasi naiwan ko yung phone ko sa bahay. Badtrip.
Bibili lang dapat ako ng snacks at beer dito sa convenience store, kung anu-ano na ang ipinasabay niya sa akin. Meron pang feminine wash? Ano ba 'to? Ayun ba yung ginagamit sa mukha?
Kumuha na lang ako ng kung anong brand doon. Basta yung may nakalagay na tampon. Bahala na siya kung tama yan o hindi.
Nang makapag bayad na ako at makalabas sa convenience store, I spotted a familiar face na naglalakad.
Malayo pa lang siya kilala ko na agad kung sino.
Napangiti ako nilapitan ko siya.
"Anya!" I called her out.
Napa angat ang tingin niya sa akin and that's when I noticed her eyes brimming with tears. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko.
"Hey, why are you crying? Are you okay?"
A tear drop from her eyes...then suddenly, she burst into tears.
"Blue..." she said at bigla siyang yumakap sa akin nang mahigpit. "Sorry for asking you this, pero pwede mo ba akong samahan ngayong gabi? Feeling ko kasi may magagawa akong hindi maganda..."
~*~
VANNA
Blue's phone keeps on ringing and ringing and ringing but no answer. Hanggang sa cannot be reached na siya.
Nanginginig ako. Naiiyak. Naiinis ako sa sarili ko how a simple black out can paralyze me. Bakit hanggang ngayon ang duwag ko pa rin sa mga ganito? Bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako kay Blue na darating siya everytime na tatawagan ko siya?
Huminga ako nang malalim. I tried to stop myself from crying. Tatayo ako at lalabas. Hahanap ako ng kandila. May flashlight naman ang phone ko. Nag black out lang. Walang dapat ikatakot. Okay?
Tumayo ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. I cannot take a single step.
I hate myself.
Then suddenly, biglang nag ring ang phone ko.
I immediately check kung sino ang tumatawag, expecting it's Blue.
But I saw another name instead.
UNO
Calling....
May tumulong luha sa mata ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot o sa disappointment. I answer his call.
"Vanna!" dinig ko ang masigla niyang boses mula sa kabilang linya. "How are you? Nagkita kami ni Blue nung isang araw..."
"Uno..." I said, my voice shaking.
Mukhang naramdaman din niya dahil nag iba ang tono ng boses niya.
"Hey, are you okay?"
"S-sorry pero, pwede ka bang pumunta sa amin ngayon?"
"Why? Is everything okay?"
"B-black out. P-panic attacks."
Silence. And then...
"Okay. Pupuntahan kita."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top