Chapter Sixteen
Chapter Sixteen
VANNA
"Kasi kung hindi mo siya gusto, pwede bang akin na lang siya?"
For a second, natigilan ako. Pinakiramdaman kong maigi kung nagbibiro lang ba siya o hinuhuli lang niya ako or what.
Hindi ako nililingon ni Anya. Busy lang siya sa pagtitiklop ng damit. She asked me that question nonchalantly na akala mo nagtatanong lang siya ng oras.
Pero grabe, parang nayanig pansamantala ang mundo ko doon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
Scratch that.
Of course I'm well aware kung ano ang gusto kong i-sagot.
He can't have him. Hindi pwede. Ayoko. Hindi ako payag.
But the only thing that's keeping me from saying that is...
...Blue's never mine in the first place. Wala akong karapatan.
Nilingon ako ni Anya, "o, ba't 'di ka makasagot? Hindi pwede?"
Napaiwas ako nang tingin at ibinalik ko ang atensyon ko sa pagwawalis ng mga bubog ng salamin.
"Gusto mo ba si Asul?" balik kong tanong sa kanya without really answering her question.
Hindi agad sumagot si Anya. Tila nag iisip siya. Then after a few seconds, nginitian niya ako.
And I don't why that smile scare the hell out of me.
"Madali na yun gawan ng paraan. Hindi naman siya mahirap magustuhan, 'di ba?"
I was taken a back by what she said pero hindi ko ipinahalata. I know she's saying those things kasi hindi siya okay ngayon.
Pero oo, napakadaling mahulog sa kanya. Proven and tested.
"Na kay Asul naman ang desisyon," sabi ko na lang.
"Tingin mo kung tatanungin ko siya ngayon kung gusto niya ba ako, anong isasagot niya?"
Hindi ako umimik.
Bakit ba pahirap nang pahirap ang mga questions niya? And why is she asking me these?
To be honest, I'm getting uncomfortable. I don't know what her intention is, pero kung iniisip niyang gawing panakip butas si Asul just because he cares for her, my heart's going to break.
Dahil alam kong gusto siya ni Asul.
And Asul is a great guy, he deserves more than that.
I hope that's not the case though. Because I know he likes her so much.
At kung i-le-let go ko man si Asul sa ibang babae, gusto ko doon sa babaeng mahal talaga siya.
~*~
"Sorry talaga hindi ako nakapunta sa practice," sabi ko kay Dawn mula sa phone. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kumukuha na mga unan. Tinawagan naman ako ni Dawn para kumustahin. "Promise babawi ako next time. Manlilibre ako ng dinner."
"Keribells lang girl, emergency naman at naiintindihan naman namin. Pero syempre push ang libre. 'Di namin tatanggihan yan!" sabi ni Dawn habang natatawa. "So, what happened ba?"
"Mahabang storya," sagot ko naman. "Ikukuwento ko na lang next time."
"Should I come over? I can't wait to hear your chismis na."
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Gaga, hindi pwede. Nandito ngayon si Asul sa bahay."
"Oooooohhhhh!" Dawn squealed so loud I had to distant my phone from my ears. "Magkasama na naman kayo. May part two ba yung kiss? Sa labi na ba ang next?" pangaasar niya.
"Kasama ko rin si Anya ngayon," sabi ko.
"Ayun lang," Dawn said at rinig ko ang pagkawala ng excitement sa boses niya.
"Mag o-overnight silang dalawa rito," pagpapatuloy ko.
"Whaaaat?" Dawn shrieked kaya inilayo ko ulit ang phone sa tenga ko. 'Tong babaeng 'to laging ang OA ng reaction!
"Bakit sila mag o-overnight diyan?" tanong niya. "Ano yan? Bonding?!"
"Again, long story. But Anya might stay here for awhile. Nandito rin si Uno, makiki overnight."
"Wow," she said at dinig na dinig ko ang pagkamangha sa boses niya na parang nangaasar pa sa sitwasyon ko. "Ang sarap sigurong pumunta diyan ngayon at mag dala ng popcorn 'no? Papanuorin ko lang kung paano ka mag selos kay Blue at paano agawin ni JT ang atensyon mo."
"Gaga!" suway ko sa kanya. "Ngayon naman kami ni Uno ang iniintriga mo sa'kin."
"Type ka nun."
I rolled my eyes, "or malisyosa ka lang."
"Kung ayaw mo sa kanya, akin na lang. Yummy ni kuya iih."
Natawa ako na napailing sa sinabi ni Dawn.
"Pangalawa ka na nag paalam sa akin today. Hindi ko naman sila pag m-may-ari."
"Huh?" she asked, confused. "Sino ang una?"
"Si Anya."
Bago pa man makasagot si Dawn, inilayo ko na agad ang phone sa tenga ko dahil alam ko na ang magiging reaction niya. And true enough, dinig ko ang sigaw niya.
"OH. MY. GOD. What did she said? About JT ba yan or about Blue?"
"Asul."
"She likes Blue?! Ba't ka niya tinanong ng ganyan? E 'di ba may jowables na si ate mo girl?" sunod sunod niyang tanong.
"Break na sila."
"Oh my goodness. So may pag-asa na si Blue? Or baka naman maging panakip butas lang si kuya mo ha. Ano sabi mo sa kanya? Humindi ka naman siguro 'no? Right? Please say humindi ka!"
"Tsaka na tayo mag kuwentuhan. Baka iniintay na ako nina Asul sa baba."
"Alam mo ikaw gaga ka forevs! Mag sasabi ka nang ganyan sa akin tapos ibibitin mo yung kuwento! I hate you na!"
Natawa ako kasi ramdam na ramdam ko ang inis sa boses ni Dawn.
"Labyu too. Bye mamsh."
"Bye. Enjoy your night girl. If you want me to rescue you, just send me a message."
Napangiti ako, "I will. Good night."
I ended the call.
Napahinga ako nang malalim at bumaba sa living room dala dala ang mga unan. Nag decide kasi kami na doon na lang muna kami matutulog para sama sama.
Si Uno ang nag suggest na mag sleepover ngayon. He said he miss the time na nag o-overnight kaming magbabarkada. Either manunuod kami ng movie buong gabi o mag p-playstation. That's one of the most fun memories I had when I was in high school. Madalas din na si Uno may pasimuno ng sleepover. At madalas na dito rin sa amin kasi wala ang parents ko at libre kaming mag ingay buong gabi.
Ang pinagkaiba lang, instead na yung barkada ang kasama namin tatlo, si Anya ang sasamahan namin.
To be honest, sobrang thankful ko na sinuggest niya yun kasi alam kong magiging sobrang awkward naming dalawa ni Anya. At the same time, natatakot ako baka kung ano na naman ang itanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot kanina sa tanong niya. Hindi rin naman na siya nangulit. Ewan kung naramdaman niyang naiilang ako. Pero mukhang malakas naman ang pakiramdam ni Anya.
Hindi na ako magugulat kung may gut feel na rin siyang may gusto ako kay Asul.
Habang pababa ako sa sala, nakita kong nag lalatag na ng air mattress doon si Uno habang si Asul naman ay inaayos sa center table yung pasta na niluto niya. Napatingin ako kay Anya na nakaupo sa isang gilid doon at mukhang nakikiramdam pa.
"Kakain na!" sabi ni Asul nang makita niya ako sa may hagdan.
Nilapitan ko sila at inilapag ko ang unan sa mattress na nilatag ni Uno. Since mababa yung table sa living room namin, lumuhod ako para tulungan si Asul sa paghahain.
"Bango ah," puro ko nang makita ko yung niluto niyang aglio olio.
"Yown! Makakatikim na ulit ng pagkain na luto ni dirty chef," pangaasar naman ni Uno at lumapit din ito sa lamesa sabay kuha ng can ng beer at sumalampak sa sahig.
"Gagu! Malinis 'to 'no!" sabi naman ni Asul at lumingon siya kay Anya. "Wag ka masyadong nakikinig diyan kay JT. Puro kalokohan lang lumalabas sa bibig niyan."
Bahagyang ngumiti si Anya at nag indian seat na rin sa tapat ng lamesa. Magkatabi silang dalawa ni Asul habang ang katabi ko naman ay si Uno. Magkatapat naman kaming dalawa ni Asul kaya kitang kita ko kung paano ipaglagay ni Asul si Anya ng pagkain sa plato.
"Husgahan mo na ang luto ko," sabi ni Asul dito. "Pero specialty ko 'yan. Walang hindi nasarapan diyan," pagmamayabang niya.
"Talaga lang ha?" sabi naman ni Anya habang inilalapag ni Asul sa harap niya yung pasta. Tinikman niya yung luto ni Asul habang titig na titig naman sa kanya ito. Nakaabang sa sasabihin niya. Kita ko sa mata ni Asul ang kaba na baka hindi magustuhan ni Anya yung pasta.
You like her that much, huh?
"So?" tanong nito. "What can you say?"
Anya shrugged, "okay na."
Blue clutched his chest na akala mo may sumaksak sa kanya doon.
"Aray. Gagalingan ko po next time, master chef," pagbibiro niya rito at bahagya naman napatawa si Asul.
I should be the one clutching my chest kasi feeling ko sinasaksak din ako ngayon.
"At dahil diyan, kainan na!" sabi naman ni Uno kaya nawala ang atensyon ko sa dalawa. "Paglalagay na kita Vanna."
Kinuha ni Uno ang plato ko at ipinaglagay ako ng pasta.
"Salamat," sabi ko rito.
"Wait," sabi naman ni Asul. at inagaw yung tong kay Uno. Kumuha siya ng shrimp at ipinatong sa pasta ko. "Favorite ni V."
Nginitian ko rin nang bahagya si Asul.
Kanina nasasaktan na ako tapos bigla na naman siya babawi?
Minsan gusto ko na lang sapakin sarili ko. Sa simpleng paglalagay lang niya ng shrimp sa plato ko, bumibigay na agad ako.
Grabe naman ang rupok ko pagdating sa kanya? Medyo nakakabadtrip na.
~*~
"So, sino ang dapat nating gulpihin?" tanong ni Uno kay Anya habang kumakain kami. "Yung lalaking nanakit sa'yo?"
Napaangat ang tingin ni Anya kay Uno at tinaasan niya ito ng kilay.
"Ano ba talaga pangalan mo?" tanong ni Anya rito. "Hindi mo pa iniintroduce sarili mo sa akin tapos nalilito ako kung ano ang itatawag ko sa'yo, Uno o JT? Tapos gusto mo na agad may sapakin."
Asul snorted. Sinipa ko naman siya mula sa ilalim ng upuan.
First time may nambarang babae kay Uno, eh. And the looks on Uno's face was priceless.
Pero agad niyang binawi ang shocked expression niya at ngumisi.
"Juan Timothy at your service ma'am," sabi niya. "Pwede mo 'kong tawaging Juan, pwedeng Timothy, pwedeng JT. Pero yung Uno, isa lang pwedeng tumawag sa akin non," sabi niya sabay lingon sa akin at kindat. Napailing na lang ako. "And yes, willing ako gulpihin ang nanakit sa'yo, kasi kung kaibigan ka ni Vanna at Blue, edi friends na rin tayo."
Pinasakan ko bigla ng garlic bread ang bungaga ni Uno dahil kung anu-ano na naman ang sinasabi nito.
"Ayan kumain ka kesa ginugulo mo si Anya," sabi ko.
Uno tried to tell me something pero hindi ko siya maintindihan dahil puno ang bibig niya.
"Ano?" natatawa kong sabi. "Di ko naiintindihan."
Uminom si Uno ng tubig at nang nalunok na niya lahat ng pagkain sa bibig niya, nagsalita ulit siya.
"Sabi ko selos ka naman agad!" sabi ni Uno. "Wag ka mag alala, pag may nanakit sa'yo, gugulpihin ko rin."
Natawa ako, "sige nga gulpihin mo si Asul."
"Oy ba't ako? Ano ginawa ko?" gulat na tanong ni Asul.
"Di kasi masarap yung pasta mo!" sabi ko.
"Yun pala, di masarap, eh!" sabi naman ni Uno at lumapit siya kay Asul and gave him a headlock.
"Huy gago!" pag pupumiglas ni Asul until the two of them are locked into a wrestle fight sa likod namin ni Anya.
Napailing na lang ako.
"Parang mga bata," I said as I finished my pasta.
Napa-angat ang tingin ko kay Anya and I saw her staring at me. Nagtaka naman ako.
"Hmm?" tanong ko.
Umiling si Anya at ngumiti.
"Mabait ka," sabi niya.
I gave her a confused look.
"Ba't mo naman nasabi?"
"Wala lang. Ngayon pa lang na f-feel bad na ako."
"Saan?" taka kong tanong.
But she did not answer.
Hindi ko alam kung bakit pero... kinakabahan ako...
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top